Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA latest post sa socmed ni Maine Mendoza ay tila nagparamdam ito ng muling pagbabalik sa noontime show.
Yes, balik E.A.T. nga si Maine after ng trip abroad nila ng mister na si Cong. Arjo Atayde.
Inakala ng marami na stop na sa kanyang karera si Maine at popokus na lang ito sa pagiging wifey ni Arjo.
At tututukan ang kanilang bagong negosyo na itinayo na food chain at maghahanda sa pagkakaroon ng anak.
Pero hinahanap hanap ni Maine ang Dabarkads.
Kaya expect nasisilayan na ulit si Maine sa E.A.T.
Naglaan ito ng dalawang araw sa piling ng mister para masolo naman siya nito.
***
NAG-guest si Sunshine Dizon sa segment ng Its Showtime na Magpasikat kasama ang mga orihinal na Sanggres na sina Diana Zubiri, Iza Calzado at Karylle.
Napansin agad ng mga Maritess ang paghapis at pagpayat ng mukha ni Sunshine.
Hula nila baka raw puyat lang dahil sa teyping ng Pira-Pirasong Paraiso.
Napansin din ng mga etsoserang Maritess na puyaters si Sunshine dahil paos din ito.
Hati ang opinyon ng mga Maritess, may umokey at nagsabi na bagay ang pagkahapis ng mukha ni Sunshine sa kanya at may kumontra at di nabagayan sa kapayatan nito.
Naikumpara si Sunshine ng mga Maritess sa iba pa niyang kasamahan na Sanggres sa Encantadia na sina Diana, Iza at Karyllre nang mag guest sa Showtime, grabe raw ang kapayatan.
Well, well, well…’Yun na!