Advertisers

Advertisers

HEAD TEACHER PATAY SA AMBUSH!

0 16

Advertisers

NASAWI ang isang head teacher ng isang pampublikong paaralan sa Maguindanao del Sur nang pagbabarilin sa Lambayong, Sultan Kudarat nitong Miyerkules ng hapon, November 15, 2023.

Kinilala ang biktima na si Hermielex Kapusan, teacher-in-charge sa Tukanaden Elementary School sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur.

Sa pahayag nitong Huwebes ni Major Jethro Doligas, hepe ng Lambayong Municipal Police, sakay si Kapusan ng kanyang motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa isang bahagi ng highway sa Purok Pag-asa, Barangay Tinumigues bandang 5:00 ng hapon.



Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos bumaksak ang biktima.

Magkalapit lang ang Barangay Tinumigues at ang Purok Rang-ay sa Barangay Poblacion Lambayong kungsaan naninirahan si Kapusan.



Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon s akrimen ang mga imbestigador ng Lambayong MPS at ng Sultan Kudarat Provincial Police Office.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">