Advertisers

Advertisers

2 PULIS, BUCOR PERSONNEL PATAY SA BARILAN

0 29

Advertisers

SINIBAK sa puwesto ang hepe ng Puerto Princesa City Police Office kasunod ng pamamaril na ikinasawi ng dalawang pulis at isang tauhan ng Bureau of Corrections nitong Biyernes Santo, Abril 3.
Nilagdaan ni Major General Constancio Chinayog Jr., director for personnel and records management ng Philippine National Police (PNP), ang relief order ni Colonel Cristine Tabdi epektibo Abril 4.
Itinalaga si Col. Dennis De Leon bilang acting city director ng nasabing police office.
Ayon sa mga awtoridad, nagsimula ang insidente sa ali-tan sa pagitan ng mga pulis at ilang residente, na nauwi sa palitan ng putok nang bumalik ang mga pulis kasama ang kanilang backup sa Barangay Irawan, Puerto Princesa City, gabi ng Biyernes, April 3.
May hindi pagkakaunawaan noon ang dalawang pulis na sina Staff Sgt Ryan Cris Cabaña at kanyang kasamang si Staff Sgt. Jayson Fernandez at ang BuCor employee na si Jerson Ojario Talon na nauwi sa putukan, nagsanhi sa kanilang agarang pagkamatay.
Nagdulot ng panik ang kaguluhang kinasangkutan nilang tatlo sa mga taong nasa lamay ng isang pumanaw na kapitbahay, ayon sa ulat ng barangay officials sa Irawan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at ang kanilang pagtugis sa mga salarin na sangkot sa insidente.