Advertisers
Marami ang pinapamilian para hiranging hepe ng pambansang kapulisan (PNP) na hahalili sa pa-retirong si Chief PNP Benjamin Acorda Jr. ngayong December 3,2023 na narating ang compulsory retirement age na 56 years old.
Si Lee na isang certified Genuine Ilocano (GI) ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Tanglaw- Diwa Class of 1992.
Dati na ring pinamunuan ni Lee ang elite na PNP- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung saan dinurog nito ang mga kilabot na criminal groups sa carnapping,kidnap for ransom at iba pang lawless elements.
From CIDG, naging deputy director for Intelligence naman ang Ilocanong general bago ma- promote sa 2-star general at pamunuan ang PNP Directorate for Human Resources and Doctrine Development ( HRDD) na kanyang present position sa ngayon.
“From police operator to police trainor” ang naging role ni Gen.Lee but he doesn’t mind it.
Para sa mamang heneral,kahit anong tungkulin ang ibigay sa kanya ay buong puso at tapat nyang gagampanan tulad ng isang tunay na public servant at miyembro ng 228,000- strong police force.
Tubong Bauang,La Union ang mabait at masipag na general na magreretiro sa May 5, 2025.
Sakaling palarin at italagang hepe ng PNP, may sapat na panahon si Gen.Lee para pamunuan ang PNP ng halos 17 buwan.
Para sa inyong abang lingkod,sapat ang panahong ito para maayos na maipatupad ni Gen.Lee ang mga reforms at improvements sa performance at discipline ng kapulisan na plano niyang isakatuparan.
Bagamat masasabing ” dark horse” as candidate for PNP top post, very much qualified ito maging hepe ng pambansang kapulisan base na rin sa maganda at malinis nitong track record.
Isang magaling,matalino at tapat na alagad ng batas na ipinakita sa lahat ng kanyang kakayahan at katapatan sa tungkulin.
A true officer and a gentleman.
Goodluck Kuya Ronald Lee!
Buong- buo ang aming paniniwala na PNP will be in the best hands kung si Gen.Ronald Lee ang maitatalagang bagong chief ng PNP.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA [email protected]