Advertisers

Advertisers

DAVAO OCCIDENTAL TIGERS COCOLIFE MABANGIS VS 1MUNTI CAGERS, 85-78

0 2

Advertisers

NAGPARAMDAM na ng bangis ang mga tigre.

Hindi na pinayagan pa ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife na madalawahang sunod sila ng talo matapos nilang lapain ang dambuhalang koponan na 1Munti ,85-78 sa pagpapatuloy ng elimination round ng Pilipinas Super League sa Ynares Gym , Pasig City.

Ang itinuturing sa liga na team to beat at championship caliber Tigers na pag-aari ng Bautista clan mula Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty .Jose Martin Loon , SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas, ay sumisingasing sa hardcourt bitbit ang misyong makabawi mula sa one point setback kontra AO Kings sa kanilang buwenamanong laban.



“ You’ve heard the Tigers roar.that’s a strong message to get back into winning tradition, wika ni team manager Arvin Bonleon.

Tinanghal na KalosPh Super Player of the Game si Kurt Lojera sa kanyang 16pts-2rebs-5assts-3stls output.

Binubuo ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife nina Jun Manzo,Ryan Costelo,

Winston Ynot,Bon Custodio, Balong Marquez, Mark Olayon, Josh Flores , Lojera, Justine Sanchez, Bam Gamalinda, Jr Ongtengco, Kelly Nabong, Noel Bonleon at RR de leon

Ginagabayan sila ng subok nang bench tacticians na sina headcoach Manu iñigo ,assistant coaches Andy Mejos, Noli Mejos ,Nonoy Bonleon,James Bartolome at Coach VL Sandalo Team manager si Arvin Derla Bonleon assistant manager nito si Joey Protacio .

Tangan ngayon ng Tigers ang 1-1 kartada at dausdos naman sa 1-1 din ang 1Munti. (Danny Simon)