Advertisers

Advertisers

Salpukan ng mga ibon!

0 14

Advertisers

Oo parang sabong ang magaganap sa do-or-die game para sa last slot sa Final Four ng UAAP.

Blue Eagles vs Soaring Falcons kasi ang laban sa kung sino ang makakapasok sa playoffs at makakaharap ng number 1 squad.

Noong Sabado kasi pinadapa ng La Salle ang Ateneo at noong Linggo naman ay nadagit ng Adamson ang UE.



Tabla tuloy ang Eagles at Falcons sa standings na 7-7.

Patayan ito tiyak sa Miyerkules.

May tsismis pa na pinapaboran ng liga at mga reperi ang eskwelahan ng mga Jesuita.

Hala tingnan natin bukas kung may basehan ang akusasyon.

***

Isa sa mga lumahok sa Boston Athletic Association Half Marathon noong ika-12 ng buwang kasalukuyan ay si Tricia Robredo, anak ni dating VP Leni at ex- courtside reporter ng UAAP tv coverage.



Natapos ng kapatid nina Aika at Jillian ang 21 km na takbuhan.

Kahit may iniinda pang injury at kulang sa training ay nairaos ng doktora ang event.

Bale numero 8990 siya sa unang subok sa patakbo na prinisinta ng Dana Farber Cancer Institute at Jimmy Fund.

Kasama niya bilang cheerleader at personal assistant ang bunsong utol na galing pa ng New York kung saan ito nagtratrabaho.

Athletic at competitive talaga ang Robredo sisters. Noong nag-aaral pa sila ay mga champion sila sa swimming.

***

Nagkatotoo ang birong prediksyon ni Coach Pido Jarencio na makadalawang panalo lang ang Growling Tigers ngayong 2023 ay masaya na sila.

“ Maka isang W ay goal na kami pero kung makadoble ay sobra na iyon,” wika ng paboritong bench tactician ng media dahil sa kanyang mga one-liner.

Hayan nga nagdilang anghel siya. Yung nabitiwang mga salita ng nagbabalik na mentor ng unibersidad sa España Blvd noong simula ng torneo ay naging realidad.

Noong isang taon kasi sa ilalim ni Coach Bal David ay single victory lang team ng mga paring Dominicano.

Naka-2 nga sila sa ika-86th edition nang madaig nilang muli ang FEU sa kanilang huling laban.

Kaso kulelat pa rin ang USTe na may kartadang 2-12. Ang pamantasan sa Morayta may 3-11 naman.

Nguni’t si Pido inako agad ang kasalanan. Siya daw dapat sisihin kaya ganoon lang performance ng mga bata.

Magbabalik daw sila na mas malakas sa isang taon. Mas mahuhusay na player at mas mahabang pagsasanay.

Marahil tunay na ang “papawisan mga kalaban” sa inyo, Coach.