Advertisers
‘Yan ang katanungan ng marami sa dalawang malalaking isyu sa mundo ng basketball sa atin.
Pinagplanuhan ba ang panloloko sa PBA Moto Club sa Poland at Ireland? Scam ba itong maituturing?
Sinadya rin ba o bahagi ng initiation rites ang aktibidad sa Aurora na nagresulta sa pagkalunod nina Rene Baterbonia at Divine Adile?
Sa mga nakansela na mga exhibition match nina Rico Maierhofer ay pinag-aralan nating maigi ang mga detalye. Inalam natin ang panig ng koponan at mga nag-organisa.
Nakapagbayad naman ng down payment sina Jay ng Dublin at Joan ng Wroclaw bago lumipad pa-Europa sina JayJay Helterbrand. Bagama’t full payment dapat ay pumayag ang grupo nina Rico M kasi yung sa London at Sunderland ay kumpleto ang naging pondo.
Yung laban sa Ireland naanunsyo na di na matutuloy mga ilang araw pa kasi umatras na nga si Jay. Nguni’t nagtungo pa rin sa Dublin sina Ryan Araña, PJ Simon at Jerwin Gaco kasi may mga kamag-anak at kaibigan din sa kanilang naghahantay doon sa kapitolyo ng Ireland. Nakilaro pa ang tatlo sa mga Pinoy doon at nagkaroon ng kodakan at bentahan ng merchandise ng mga player.
Nangako naman si Jay na isasauli ang pera ng mga nakakuha ng ticket.
Iba naman ang kaso sa Poland. Nagsabi si Joan na ibibigay ang balanse pagdating nila sa lugar.
Kaso hindi natupad. Ang meron ay meet and greet lang. Komo Warsaw ang exit ng pangkat pa Manila ay sumige na rin sila ng 5 oras na biyahe pa Wroclaw.
Nagpaluwanag din si Rico M na lider ng samahan at misis na si Jeck sa lahat. Si Jeck M kasi main coordinator at kausap ni Joan. Pero desisyon lahat ng mga player at hindi lang ng magkabiyak.
Gaya sa Ireland ay hindi rin sapat ang ticket sales upang maglaro ang mga basketeer.
Nahiya nga sila sa mga kababayan na dumayo pa mula Hungary, Romania at Germany para mapanood ang mga dating idolo sa pro league.
Hindi naman naiwasan ang himutok nina Paul Artadi sa social media na naiscam sila.Tapos yun na-pick up ng media sa Manila at ibinalita.
Bago sa hindi magandang karanasan na ito ay maayos kanilang mga game sa abroad. Galing na sila Canada at Middle East noon.Nagkapaliwanagan at nagkapatawaran na sila.” Scam lang ito kung hindi maibabalik mga kwarta ng mga umiskor ng ticket, ” pahayag ng mag-asawang Maierhofer.
Noong Miyerkules ay nakauwi na sila sa Manila. Next adventure ay sa Nagoya, Japan. Wala na malamang aberya. Eka nga ay lessons learned.
Sa kabilang kaso naman ay nalibing na sa Agusan del Sur si Rene Baterbonia at naiuwi na sa Nigeria si Divine Adile.
Habang sinusulat natin ang pitak na ito ay hindi pa tapos imbestigasyon ng NBI at CIDG. Sa ngayon ay lumalabas ng may mga red flag at lapses sa naturang boot camp. Tiyak may mananagot. Nagbitiw na sa posisyon sa team sina Coach Tab Baldwin at Manager Epok Quimpo. Malamang may kakasuhan pa ang mga awtoridad at masususpindi pa ang Ateneo sa UAAP.
***
Noong open praktis ng Gilas Pilipinas sa Fil-Oil Arena sa San Juan ay nagkatuwaan ang mga cager kasama si Mayor Francis Zamora na nagpaligsahan ng half court shot.
Sa unang subok ng alkalde ay nag-rim out ang tira. Siyempre nanghinayang ang produkto ng La Salle Green Archers. Sa pangalawang attempt ay swak na swak kaya hiyawan ang mga tao. Si Mayor Francis ay napagulong sa hardcourt sa tuwa..
Miracle o Hail Mary shot. Sa golf parang hole- in- one.