Advertisers

Advertisers

2 KILLERS, UTAK SA PAGPATAY NG MAG-LIVE-IN SA BUS TUKOY NA NG PNP

0 29

Advertisers

KILALA na ng Philippine National Police (PNP) ang mga bumaril at utak sa pagpasalang sa mag-live-in partner sa sa loob ng isang bus ng Victory Liner sa Nueva Ecija.

Ayon kay PNP PIO Acting Chief, Colonel Jean Fajardo, inihahanda na ang mga dokumento para masampahan ng reklamo ang mga salarin, pero tumanggi muna itong magbigay ng buong detalye ukol dito.

“Kinukumpleto na lamang ‘yung mga papel and sinumpaang salaysay nung mga kaanak ng mga biktima,” paliwanag ni Fajardo.

“Anytime this week, we are preparing na makapag-file ng case,” dagdag ni Fajardo. “As to the personalities, kung sino ‘yung mga papaylan ng kaso, antayin natin kung sino-sino mga ito. But one thing I could assure you, kung sino ‘yung file-an ng kaso ay is very confident na they got the correct persons involved, including the 2 gunmen at ‘yung mastermind behind this incident.”

Matatandaan na kaagad nasawi ang dalawang pasahero na sina Gloria Quillano, 60 anyos; at Arman Bautista, 55, kapwa tubong Koronadal, South Cotabato, at residente ng Cauayan City, Isabela nang pagbabarilin sa loob mismo ng bus ng dalawang lalaki, na nakuhanan ng dash cam ang pangyayari.

Sumakay ang mga ito sa Cauayan City sa bus na patungong Maynila. Sumakay naman ang dalawang gunmen sa Bayombong, Nueva Vizcaya na nasa mahigit 100 kilometro mula sa point of origin ng mga biktima.

Matapos ang pamamaril, inutusan ng mga salarin ang bus driver na ihinto ang bus saka bumaba at tumakas.

Sa isinagawang integrated ballistic identification system at cross-matching sa mga basyo ng bala, lumabas na nagamit ang baril sa tatlong iba pang pamamaril kabilang ang isang insidente sa Isabela at dalawang insidente sa Nueva Ecija.

Napag-alaman din na mga gun-for-hire ang mga salarin base narin sa mga nakalap na ebidensya. (Mark Obleada)