Advertisers

Advertisers

Higit P470K shabu nasabat sa 2 tulak sa Navotas

0 13

Advertisers

NAKUMPISKA ang mahigit P 470K halaga ng shabu sa dalawang listed drug pushers sa isang buy-bust sa Navotas City.

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang naaresto na sina alyas “Joy”, 39 ng Champaca St., Brgy. San Roque; at alyas “Nash”, 32 ng Tulay 9, Brgy. Daanghari.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 3:35 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforecment Unit (SDEU) ng buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. San Roque.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 70 gramo ng shabu na may standard drug price value na P476,000.00 at buy bust money .

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya sa mga suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">