Advertisers

Advertisers

RICCI RIVERO, MAS SIKAT SA BASHERS

0 7

Advertisers

UMARIBA agad si PHOENIX SUPER LPG starcager RICCI RIVERO sa hardcourt ng top professional league na PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA) sa opisyal na paglalaro mula sa Season 48 Annual Draft ng liga.

PBA ROOKIE OF THE WEEK ang dating pambato ng UP FIGHTING MAROONS sa ganadong pagpukol ng 14 points sa recent game ng kauumpisa pa lang na PBA Commissioner’s Cup. Sa video ng laro na nakapokus kay RICCI, about half a million agad ang views sa social media, suportado ng comments na hindi rin mawawalan ng bashers mula sa kampo ng ex-girfriend nitong equally contoversial figure, ang young actress na si ANDREA BRILLANTES.

Very attention-catching na consistent ang bashers sa mga isyung pinaputok ni ANDREA aka BLYTHE na mga panirang personal kay RICCI kaugnay ng hiwalayan blues. Ang isyunsg hindi nagpapa-laundry ang starcager ayon kay ANDREA ay talagang mabenta sa followers kabuntot ng samut-saring negative issues na eventually ay sinagot ng kampo ng basketbolista at lalong nagpahaba at nagpalakas ng kontrobersya.



Sa totoo po niyan, mas ayaw tigilan ng bashers si RICCI, mas sikat ang dating nito lalo na sa hardcourt, pamparami pa ng interested at curious sports followers kung tutuusin.. Di nga ba, sa nagdaang PBA Annual Draft, biglang umugong ang venue sa pagtawag kay RICCI nang hugutin ng PHOENIX?

Well, sa tingin namin, kahit tigilan pa ng bashers, nag-sink-in na sa parehong Sports at Showbiz followers ang negative at positive issues kung saan siya mas nakakuha ng attention from millions.



Aminin at hindi, MADE na si RICCI in terms of popularity. Abangan na lang natin ang kaya niyang masungkit sa caging career na naging way para mas mapansin siya at nakuhang artista. Nasa sa kanya na which way to push thru although puwede naman talagang sabayan. Congrats and Good luck!

BASKETBALL SA PINAS, MAS LUMALAGO
HINDI maitatanggi ang pamamayagpag ng basketbol sa ating bansa kahit napakarami na rin ang nagsusulputang magagaling sa iba pang Sports fields. Sa pangingibabaw ng PBA, mas maganda ngayon na may supporting venues, groups at reliable fallback ang iba pang cagers. Professional league na rin ang itinatag ni boxing icon cum basketball patron/former Senator MANNY PACQUIAO, ang MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE (MPBL) under Commissioner KENNETH DUREMDES na popular ex-PBA veteran.



Masigla na rin at growing more ang mileage ng PILIPINAS SUPER LEAGUE under its new head, Commissioner ALLAN CAIDIC, another PBA veteran like DUREMDES. Salamat po sa lahat ng suporta mula sa malalaking companies hanggang sa Sports-minded public servants na hindi muna po natin iisa-isahin. Keep it up!

NOVEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Mam GRACE AGNES S. BACALANGCO of LAZARO FRANCISCO INTEGRATED HIGH SCHOOL. Best blessing and more birthdays to come. HAPPY READING!