Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
NAKARATING na pala kay Senator Lito Lapid ang nangyari sa kanyang kaibigan na si Azenith Briones.
Sa ginanap na get together kamakailan sa Max’s Roces, hindi nakaligtas ang butihing Senador na tanungin tungkol sa dating beauty queen, kung saan naging magka-ibigan ang dalawa nang magsama sa isang pelikula nuong 1985, ang Walang Katapat with Jun Aristorenas.
Ayon kay Senator Lapid, pinaimbestigahan na niya ang tunay na nangyari sa pagkawala ng kanyang dating lading lady.
Nalaman niya na isa raw itong family matter, at nakapirma ang apat na anak nito para ipa-rehab ang kanilang mother na si Azenith.
Lagi raw kasi itong nakikita sa casino sa Metro Manila.kaya naman napagkasunduan umano ng mga anak nito na ipa-ban siya sa lahat ng gambling establishment ng Pagcor.
Kung natatandaan, isa sa biktima ang mister ni Azenith na si kuya Eleuterio Reyes nang magkaroon ng stampede sa Resort World Manila nuong June of 2017 dahil pinagbabaril ng isang gunman ang mga casino tables and slot machine.
Ayon sa mga narinig naming tsika, kaya raw pina-ban ng mga anak si Azenith dahil ayaw anya nilang mangyari sa ina ang sinapit ng kanilang father.
Kahit daw pina-ban na ito sa mga casino ay hindi pa rin tumitigil si Azenith kaya nagdesisyon na ang mga anak na dalhin na ito sa rehabilitation center.
Panghuli ni Senator Lapid, kahit alam na niya ang tunay na dahilan, pinatignan pa umano niya.sa NBI ang nasabing kaso para matiyak na ligtas ito…Abaw Ah!!!