Advertisers
Patay ang 31-anyos na lalaki sa sunog na sumiklab sa isang bodega ng plastic sa Guiguinto, Bulacan.
Ayon kay Fire Senior Inspector Joselito Sunga ng BFP Bulacan, natagpuan ang bangkay ng lalaki sa ikalawang palapag ng warehouse.
Limang taon nang nagtatrabaho bilang secretary ng kumpanya ang biktima.
Batay sa paunang impormasyon ng BFP, 12:30 ng madaling araw nitong Miyerkoles nang sumiklab ang apoy sa warehouse. Agad iniakyat sa ikalawang alarma ang sunog nang tumawid sa katabi pang warehouse.
Sumabog na makina sa likurang bahagi ng warehouse ang isa sa tinitingnang dahilan ng sunog.
At 3:00 ng madaling araw nitong Miyerkoles nang ideklarang fire under control ang sunog.
Inaalam pa ngayon ang kabuuang halaga ng natupok ng apoy.(Thony Arcenal)