Advertisers
Naabo ang 600 bahay sa mala-impyernong sunog na sumiklab sa isang masikip na barangay sa Barangay Pusok sa Lapu-Lapu City, Cebu nitong Martes, Disyembre 12 ng hapon.
Tinatayang nasa 20,000 indibidwal ang apektado at nawalan ng tirahan si Lapu-Lapu City Mayor Junard Chan dahil sa sunog na nagsimula ala-1 ng hapon.
Walang naiulat na nasawi, ngunit karamihan sa mga residente hindi nailigtas ang kanilang mga gamit.
Sinabi ng alkalde na maaaring ito na ang pinakamalaking sunog na naitala sa Lapu-Lapu City.
Karamihan sa mga bahay sa paligid, gawa sa light materials. Ang ilan sa mga bahay nasa stilts malapit sa baybayin ng Mactan Channel.
Tiniyak naman ni Chan sa mga residente na kaagad magbibigay ng tulong ang pamahalaang lungsod.
Dagdag pa ng alkalde, kakanselahin ng City Hall ang mga Christmas party nito at sa halip gagamitin ang budget para makatulong sa mga nasunugan.
Inaalam pa ng lokal na bumbero ang sanhi ng sunog.