Advertisers

Advertisers

PISTON NAGBANTA DUDULOG SA KORTE SA PUV MODERNIZATION

0 52

Advertisers

NAGBANTA ang grupong PISTON na hindi ito matitinag sa pagtuligsa sa planong public utility vehicle modernization progam ng pamahalaan.

Ito ay matapos na manindigan ang gobyerno na tuluy-tuloy ang implementasyon ng itinakda nitong deadline para sa franchise consolidation at PUV modernization program.

Sa isang pahayag, sinabi ni PISTON President Mody Floranda na kabilang sa mga ikinokonsi-dera ngayon ng kanilang grupo ang paghahain ng apela sa Korte Suprema hinggil sa nasabing programa.



Giit ni Floranda, hindi batas ang modernization program at tanging executive order lamang aniya ito ng Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ani Floranda, ito ang dahilan kung bakit walang karapatan ang naturang mga ahensya na pilitin ang mga tsuper at operator na pumasok sa usapin ng modernization program sapagkat dapat aniya’y voluntary lamang ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">