Advertisers

Advertisers

PVL: Sisi Rondina kinilalang All-Filipino MVP

0 5

Advertisers

SISI RONDINA ng Choco Mucho Flying Titans ang tinanghal na 2023 PVL 2nd All-Filipino Conference Most Valuable Player.

Pinamunuan ni Rondina ang opensiba ng Flying Titans patungo sa kanilang first finals appearance sapul ng lumahok sa liga noong 2019.

Samantala, Tots Carlos ang pinarangalan na Finals MVP . sa Game 1, Carlos ay umiskor ng 16 points, habang sa game 2, ang dating University of the Philippines standout ay may 26 points para sa Creamline na kunumpleto ang season sweep patungo sa titulo.



Cignal HD’s Gel Cayuna ang kinilala na Best Setter,habang si Chery Tiggo’s Eya Laure at Creamline’s Jema Galanza ang tinanghal na Best Outside Spikers. Pangs Panaga ng Creamline at Riri Meneses ng Cignal tumanggap ng Best Middle Blockers awards, habang si Michele Gumabao ng Cool Smashers ang Best Opposite Spiker.

Choco Mucho’s Thang Ponce ang kinilalang Best Libero.