Advertisers

Advertisers

Salamat po ng marami House Speaker Martin G. Romualdez at sa lahat ng inyong kasamahan sa Kongreso, Merry Christmas!

0 86

Advertisers

Bago natin idetalye kung bakit nais pasalamatan ng Usapang HAUZ ang kasalukuyang lider ng Kamara at mga kasamahan nitong kongresista ay babatiin natin ang Sambayanan ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon “God Bless po sa lahat.

Hindi lang pala ang Usapang HAUZ ang nais magpasalamat kay Speaker Romualdez kundi ang buong mamamahayag na nagco-cover sa kongreso dahil sa espesyal na Christmas Party na naihanda at pantay pantay na pagtingin sa mga media, ika nga ni Mang Kulas suwertihan na lang”.

Eh dapat ding bigyan ng kredito mga Ka Usapang HAUZ ang miyembro ng house media na nagpakahirap sa pagprepara ng maayos na Christmas Party 2023 na kinabibilangan nina Billy, Jovee, Kat, isama na rin natin ang dalawang masipag na sina Ka Roger at Boss Mads na hindi kinakitaan ng pagod sa paghahatid ng regalo sa mga kasamahan nating abala sa paggawa ng kanilang mga storya, ups muntik ko pang makalimutan na pasalamatan si boss Ryan Pacpaco.



Kailangan pa bang isaisahin mga Ka Usapang HAUZ ang mga Congressman na kusang nagbigay ng kanilang tulong pamasko para maging masaya ang mga house media, buweno umpisahan natin siyempre sa kay house Speaker Martin at may bahay nito Tingog Party List Rep. Yedda Romualdez, ACT-CIS Party List Rep. Erwin Tulfo at COS Jericho Javier, Cong. Ace Barbers kasama sina boss Romy at boss Zaldy, bagamat dinapuan ng lagnat kung kaya’t hindi nakasilip man lang si Cong. PM Vargas sa tahanan ng Media ay nagpaabot ito ng pagbati sa pamamagitan ng kanyang MRO Ms. Sybel.

Nagpapasalamat din ang mga miyembro ng house media kina, Cong. Camille Villar, Agri Party List Rep. Lee, former president Cong. GMA, sa mga kasapi ng house majority at minority leader, Cong. Mujiv Hataman, nais ding pasalamatan si dating House Speaker Alan Peter na hindi nakalimot kahit nasa Senate na siya at kanyang maybahay Cong. Lani sa pamaskong handog.



Bigyan naman natin ng espasyo mga Ka Usapang HAUZ ang naganap na Christmas Party, bagamat late na nagsimula ang programa ay kapansin pansin na nag eenjoy ang lahat lalo na ang unli handa ika nga eh eat all you can, may parlor games pang inihanda hindi nga lang tayo pinalad na manalo dahil may mas magaling pala sa akin na magpapasok ng bola ng ping-pong sa baso gamit ang nakataling saging, to make the story short walang umuwing hindi nakangiti sa kanilang napanalunan.

Hindi na po natin dapat isa-isahin ang kung magkano o ano ang inihatid na regalo ng mga Congressman sa naganap na House Media Christmas Party maliit man ito o malaki ang importante, unang una ay ang pagkaka-sundo sundo ng lahat, “At Magbuhat ngayon kahit hindi Pasko ay Magbigayan” muli nais pong magpasalamat ng mga Ka Usapang HAUZ sa butihing House Speaker Martin G. Romualdez at sa lahat ng kasapi ng 19th Congress. Merry Christmas to All, God Bless.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">