Advertisers

Advertisers

PH lifters sasabak sa 2 pang Olympic qualifying tourneys

0 9

Advertisers

Filipino weightlifters na umaasa na ma qualify para sa 2024 Paris Olympics ay nakatakdang lumahok sa dalawa pang tournaments upang palakasin ang kanilang tsansa.

Walong athletes, na pamununuan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz- Naranjo ng Zamboanga City, ay sasabak sa Asian Championship sa Tashkent,Uzbeskistan sa Pebrero 3-10 at sa World Cup sa Phuket,Thailand mula Marso 31 hanggang Abril 11.

Ang iba pang kasama sa line-up ay sina Zamboangueñas Rose Jean Ramos (W45kg), Rosegie Ramos (W49kg) at Kristel Macrohon (W71kg); Lovely Inan ng Angono, Rizal (W49kg); Cebu City’s John Febuar Ceniza (M61kg) at Elreen Ann Ando (W59kg); at Vanessa Sarno ng Bohol (W71kg).



Ang walong atleta ay lumahok sa International Weightlifting Federation (IWF) Grand Prix ll Disyembre 5-10 sa Doha, Qatar. Gayunpaman, tanging sina Rose Jean Ramos at Ceniza ang nagdeliver ng medalya.

Ramos, nabuhat ang 3 silver medals – sa snatch (70kgs) clean and jerk (85kgs) at total (155kgs).



Ceniza,25 nakuha ang silver medal sa total (298kgs) kahit nagtapos sa fourth sa snatch (133kgs)at fifth sa clean and jerk (165kgs) Ang kanynag buhat ay bagong national rekords.

“The World Cup is a very tough competition and I’m sure John Febuar will do his best, just like what he did in Qatar,” Wika ni national coach Christopher Bureros sa panayam Martes.



Ang Top 10 lifters ay makakuha ng quata para sa kanilang kanya-kanyang bansa at bodyweight category sa pamamagitan ng IWF Olympic Qualification Ranking tournaments mula Agosto 1, 2022 hanggang Abril 28, 2024.