Advertisers

Advertisers

Christian Bables ‘no way’  sa one night stand

0 8

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA isang interview, diretsahang inamin ni Christian Bables na sa edad na 18 ay naka-experience na siya ng heart break. Ayon sa kanya, ginawa raw siyang kabit ng isa sa mga naging girlfriend niya noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.

Rebelasyon ni Christian,”During college, mga 18 ako nu’n, 2 months, pero grabe!”



Mahal na mahal ba niya ang girl? “Hindi naman sobrang mahal, pero papunta na doon e. Kumbaga, parang naka-set yung mind ko sa pag-dive deep into the relationship. And then I found out na meron pala siyang mas nauna kesa sa akin. Yes, ginawa niya akong kabit. Nakakatawa,” aniya pa.

Nalaman daw niya ang panloloko ng kanyang ex-girlfriend nang ma-wrong send ito ng message sa kanya.



“Na-wrong send siya. Ganda, di ba? Iba yung tawag niya sa akin, iba yung tinext niyang tawag.”

Kinausap daw agad ni Christian ang dating karelasyon nang mag-send nga ito ng message na hindi para sa kanya kundi para sa  ibang lalaki nito.



“Kinausap ko siya, sabi ko, ‘Ano ‘to?’ Tapos ayaw niyang umamin sa simula.

“Hanggang sa eventually umamin siya. Hindi niya kayang bitawan yung boyfriend niya na nauna sa akin dahil sinusustentuhan siya nu’n, e. Ito kasing girl na ‘to older than me.

“Siya yung nakipag-break! Okay naman yun kasi I know she did the right thing. Kasi kung ako, baliw ako that time. So, parang, ‘okay lang, okay lang kahit dito ako sa gilid.’ Siya yung hindi pumayag.”

Sabi pa ni Christian, two months lang sila naging magdyowa pero umabot ng dalawang taon bago siya naka-move on“Du’n ko napatunayan na wala sa tagal yun. It’s how genuine and how pure the intention and the love was, so…totoo kasi, e.”

Mas mahalaga pa rin daw ang quality ng pagsasama kesa quantity.

“Oo, totoo kasi e, yung sa araw-araw namin nung two months na yun, totoo lahat, parang everything was magical.”

“Ako pa naman relationship to marry ako, e. Hindi ako maloko. Ayun, dahil na rin siguro sa background ng family na kinalakihan ko, ayoko ng playtime.

“So, as much as possible, kung puwede na iyon na. E, kaso parang bumorder line sa katangahan, kaya yun,” mariin niya pang sabi.

Single ngayon si Christian, kaya natanong din siya kung kumusta ang kanyang sex life.

“Nag-i-stock ako sa bahay ng tissue! Ha-hahaha! Hindi, loko lang! Pero bawal mawala ang tissue sa bahay!”

Na parang ang ibig sabihin ni Christian ay nagsasariling-sikap siya.

Tungkol baman sa pakikipag-one-night stand, ang stand dito ni Christian ay, “As much as possible, hindi. Pero kapag siguro nandun sa moment, puwede, oo, pero as much as possible, hindi.”