Advertisers

Advertisers

PAPA PIOLO’S MALLARI TOP GROSSER SA MMFF 2023, BEST PICTURE PA; JC SANTOS WAGING BEST SUPPORTING ACTOR

0 56

Advertisers

Ni PETER S. LEDESMA

SA sobrang lakas ng movie ni Piolo Pascual na “MALLARI”, maliban sa midnight screening sa theaters nationwide na first time sa history ng sinehan na nangyari para ma-accomodate ang lahat ng gustong makapanood ng biggest horror film of 2023 ay mapapanood na ang MALLARI sa over 150 Cinemas nationwide and still counting.

By the way, ramdam namin ang saya ng atmosphere ngayon sa MENTORQUE PRODUCTIONS ni Sir Bryan Dy and his whole team at nagbunga ang lahat ng kanilang hirap at pagpupuyat at gastos siyempre mabuo lang ang MALLARI.



At tiyak feeling heaven ang pinakabida ng pelikula na si PAPA PIOLO at wish granted yung hiling niyang kumita ang kanilang pelikula. Samantala, nakakuha rin ng ilang major awards ang MALLARI, na itinanghal na 3rd Best Picture sa 49th GABI NG PARANGAL ng MMFF 2023. Wagi ring Best Supporting Actor si JC Santos sa mahusay nitong performance bilang si Lucas. Best Musical Score naman si Von De Guzman and for Best Visual Effects ay wagi si Gaspar Mangarin. Deserved!

***



Recording Artist Pauline Cueto Level-Up Na Ang Career

NOON pa man ay nakitaan na namin ng potential ang recoding artist na si Pauline Cueto. Ilang beses na kasing napanood mag-perform ng live si Pauline at ang husay niya at super talented. Kung hindi nga lang priority ng petite artist ang kanyang studies kung saan graduate na siya soon sa college ay tiyak ang layo na ng narating ng career nito.



Well, very proud sina Mommy Mildred and Daddy Andy Cueto sa daughter nilang ito at ang sipag nitong mag-aral at infairness matalino at pambato pa ng kanilang university na St. Benilde sa Benilde Music Production and Benilde Culture Arts Unit. Last November, si Pauline at ang kanyang MP Bandmates ang itinanghal na Grand Prize winner sa FUSION MUSIC FESTIVAL na Battle of the Bands na ginanap sa CCP Concert Grounds. Naging very successful ang event na ito. Lalong dumami ang fans and supporters ni Pauline after winning the contest na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng labis ng dalaga. Si KZ Tandingan pala ang ultimate idol ni Pauline Cueto.

***

Engineer Andy Cueto “Most Outstanding Alumni”

KAKA-proud  si Engineer Andy Cueto (dad of singer Pauline Cueto) at kinikilala sa kanyang field bilang engineer at iba pang achievements. Sa Most Outstanding Alumni ng Tecnological University of the Philippines ay pinarangalan si Sir Andy kasama ng co-alumnus na “Most Outstanding Alumni 2023.” Kinilala rin ang kanyang pagiging mabuting family man. Masaya kami sa tagumpay mo Sir Andy Cueto.