Advertisers

Advertisers

City Gov’t ng Maynila tumatanggap na ng business permit renewal applications para sa 2024 – Mayor Honey

0 17

Advertisers

INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na nagsimula ng tumanggap ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng business permit renewal applications para 2024.

Dahil dito ay hinimok ng alkalde ang lahat ng business owners sa Maynila na gamitin ang GO!Manila App para sa kanilang business renewals at pagbabayad ng business taxes at iba pang regulatory fees.

Sinabi ni Lacuna, para sa mga hindi pa pamilyar sa paggamit ng nasabing app at para maging kombinyente ang mga ito, ay may inilaang help desks sa ilang shopping malls na malapit sa kanila kung saan ang mga aplikante ay maaaring magpunta at mamili kung saan nila gusto.



Ayon pa kay Lacuna, ang nasabing help desks ay tutulong din sa mga business owners sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng GO! Manila App tutorial, nangangailangan ng approval of request para sa GO Manila access kabilang na ang transfer of ownership at business records na naka-hold o may inspection.

Ang bureau of permits na pinamumunuan ni Levi Facundo ay nagbibigay din ng advisory, quick guide sa mga serbisyo na ipinagkakaloob ng local government sa mga sumusunod na E-BOSS help desk locations: E-BOSS LOUNGE sa ground floor ng Manila City Hall na bukas mula 8 a.m. hanggang 8 p.m.; SM City Manila, 4/F beside Gerry’s Grill; Robinsons Manila, 3/F Food Court area; Lucky Chinatown, Fronting the LCTM Chapel;Tutuban Shopping Mall, 2/F Primeblock near Cellphone City; 168 Shopping Mall, 3/F Food Court area; Isetann, G/F Government Services area. Ang nasabing mall services ay available mula 10 a.m. hanggang 8 p.m.



“You may also reach us via email at permits@manila.gov.ph, via landline at 8527-0871 or via E-BOSS Viber Group (scan the QR code provided for in the bureau’s FB account).,” sabi ni Facundo.

Sinabi ni Facundo na ang deadline para sa renewals ay sa January 20, kung saan ang mga applicants ay maaaring mag-avail ng ten percent discount kung sila ay magbabayad bago ang itinakdang deadline.



Ayon pa rin kay Facundo, ang nasabing deadline ay mananatili maliban na lamang kung ito ay palalawigin ng alkalde, kung saan ang diskwento ay hindi na maaaring i-apply. Magkakaroon din ng penalities para sa mga hindi makakapagbayad sa itinakdang deadline. (ANDI GARCIA)