Jiro sobrang gipit, ibinenta ang napanalunang trophy; Sikat na aktres kinaasaran sa shooting nang mag-concert
Advertisers
Ni JIMI ESCALA
MULA sa reliable source na nagkataong staff ng Art department ng isang film outfit na may pelikulang kasama sa ongoing MMFF ang balita na Ito.
Kuwento niya sa amin na nahihiwagaan na raw sila sa inaasal ng isang sikat na aktres na bida ng pelikula nila.
Hindi lang daw OA na ang mga asal nito sa set kundi may pagkakataon pa na wala na raw sa lugar ang ginagawa ng aktres.
Paglalahad pa ng source namin na isa raw sa hindi nila makalilimutang inasal ng aktres sa set ng movie ay ang pinaghintay ang buong cast.
Nope, hindi raw dahil sa late na dumating si aktres na in fairness naman daw ay professional ito at maaga lagi sa set, kundi ang kakaibang ginawa nito inspite of ready for take na si director, huh!
Ang ginawa raw ni aktres ay pinakuha sa sasakyan niya ang mini karaoke na laging bitbit at nag-concert sa set.
Nakailang kanta na raw si aktres at hindi mang lang yata napansin nito na imbiyerna ang crew ng movie pati mga kasama niyang artista sa naturang pelikula huh!
In fairness, singer naman talaga si aktres but still kahit maganda ang boses nito nakataas kilay na ang mga nasa set lalo na yung mga crew na umaasang makakauwi sila nang maaga.
Pati na ang kasamang bidang lalake ng aktres na kaeksena sa pagkakataon na yun ay walang nagawa kungdi pumalakpak at pinakinggan ang concert ni aktres, huh!
***
KINUMPIRMA ng isang malapit sa dating sikat na aktor na si Jiro Manio na totoo raw ang lumabas na isyung ibinenta ng aktor ang napanalunang tropeo bilang best actor ng Urian, huh!
Matandaang nanalong pinakamahusay na aktor ng Urian si Jiro last 2004 dahil sa pagganap sa pelikulang “Magnifico”.
Sobrang gipit daw ngayon si Jiro at nangungupahan ng bahay sa San Mateo, Rizal pero tuluy-tuloy pa rin ang pagvo-volunteer sa DOH Bataan Rehabilitation Center.
Ayon pa sa source namin ay kung ilang beses na raw nagpa-rehab si Jiro but still wala pa rin daw nangyari, huh!