Advertisers

Advertisers

Kelot kulong sa ‘bomb joke’ sa Quiapo Church

0 5

Advertisers

BINITBIT ng pulisya ang 40-anyos na lalaki nang magbiro tungkol sa bomba sa gitna ng dagsa ng mga tao nitong First Friday Mass sa Quiapo Church, Manila.

Sa ulat, 6:00 ng umaga nang magsumbong ang isang deboto sa Plaza Miranda Police Community Precinct dahil sa isang lalaki na nambubulong umano sa mga kapwa deboto na may pasasabugin na bomba.

May dalang bag ang lalaki na mga personal na gamit lamang ang laman.



Ayon kay PCP chief Captain Rowell Robles, maaring maharap ang lalaki sa kasong paglabag sa Anti-Bomb Joke Law.

Samantala, sa huling tala ng Plaza Miranda PCP, higit 11,000 ang crowd estimate sa Quiapo Church nitong Biyernes ng umaga at inaasahang dadami pa hanggang gabi. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">