Advertisers

Advertisers

“All systems go for Black Nazarene Feast celebration” — Mayor Honey

0 11

Advertisers

SINABI ni Manila Mayor Honey Lacuna na ” it’s all systems go for the celebration of the Feast of the Black Nazarene” sa Martes, January 9 kasabay ng apela niya sa lahat ng mga nais na dumalo na gawin din nila ang kanilang bahagi sa pagtulong upang maging maayos at mapayapa ang selebrasyon.

Personal na nag-checked si Lacuna ng inaasahang daloy ng mga aktibidades at mga deboto para sa scheduled mass at ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand. Siya ay sinamahan ni Manila Police District (MPD) Director Col. Arnold Thomas Ibay, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac at Manila Disaster Risk Reduction Management Office chief Arnel Angeles at nagbigay direktiba rin ang alkalde para sa requirements sa kakailanganing barricades, portalets at sound system, at iba pang mga pag-aayos na ginawa sa nasabing lugar.

Sinigurado ni Ibay sa lady mayor na may sapat na bilang ng kapulisan na umaabot sa 15,000 na ikakalat para sa feast-related activities, lalo na’t ito ang unang ‘Traslacion’ na gagawin matapos na tumama ang pandemya sa buong mundo.



Noong isang taon, sa halip na ‘Traslacion,’ “Walk of Faith” ang isinagawa na dinaluhan ng may 90,000 deboto na naglakad sa planadong ruta sa loob ng dalawa at kalahating oras.

Dahil sa tagumpay ng “Walk of Faith”, ay pinayuhan ng mga awtoridad ang ‘Traslacion’ ngayon taon at umaasa na mauulit kaayusan at kapayapaan ng “Walk of Faith”.



Ininspeksyon din ni Lacuna ang simulation exercises ng MDRRRMO na nagtayo na ng advanced medical post sa Kartilya ng Katipunan upang tumugon sa minor casualties ng “Nazareno 2024” events.

Sinabi ni Angeles na ang advanced medical post ay may 30 beds para sa iba’t-ibang kaso at mayroong ding incident command post na magpa-facilitate at mag-o- organize ng lahat ng resources ng tanggapan para sa deployment, kabilang dito ang mahigit na 1,000 personnel ng MDRRMO, 34 fire assets, 46 ambulances, 10 rescue boats, six utility vehicles, at 12 K9 units.



Nitong Sabado ay pinangunahan ng alkalde ang send-off ceremony para sa 15,276 police and security and safety personnel para sa payapa at maayos na pagsasagawa ng ng mga gawain na may kinalaman sa Feast of the Black Nazarene.

Ang mga nasabing bilang ng tauhan ay ilalagay sa mga strategic na lugar tulad ng Quirino Grandstand, Quiapo Church at sa mismong ruta ng prusisyon. (ANDI GARCIA)