Advertisers

Advertisers

Kim malabong siraan ang ex na si Xian; RS Francisco solb sa partners ang naisip na drag club na Rampa  

0 28

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SABI ni Cristy Fermin sa radio show nila ni Romel Chika na Cristy Perminute, kung magsasalita raw si Kim Chiu tungkol sa kanilang hiwalayan ni Xian Lim, baka ito na raw ang maging katapusan ng career ng aktor.

May isang source na nag-chika raw kasi kay tita Cristy tungkol sa balitang ito.



Sabi ni tita Cristy, “Mabait itong si Kim Chiu. Respetedo niya ang kanyang kapwa. Edukado siya. Kapag ito ang nagsalita, matinding pasabog ang kalalabasan.

“Kapag nagsalita na raw si Kim Chiu, good bye na sa kanyang career si Xian Lim. Ano kayang ibig sabihin noon?”



So, base sa source ni tita Cristy, parang may ginawang hindi maganda si Xian kay Kim, na naging dahilan para makipaghiwalay siya rito o  may nabisto si Kim tungkol kay Xian, ‘di ba?

Pero sa inilabas na official statement ni Kim  sa kanyang Instagram page tungkol sa paghihiwalay nila ni Xian, ay maganda naman ang pagkakasabi niya. Hindi siya nagsalita ng against sa dating boyfriend. In fact, pinasalamatan pa niya ito sa magandang memories nila together noong sila pa.



Narito nga ang bahagi ng official statement ni Kim.

“Xi, thank you for the almost 12 years of beautiful memories together. You will always have a place in my heart. Thank you for showing me what love is.”

So, malabong magpakawala ng bomba si Kim laban kay Xian dahil mukhang maganda naman ang naging break-up nila, na hindi sila nagkaroon  ng samaan ng loob sa isa’t isa, nang magdesisyon silang maghiwalay, base na rin sa official statement ng Chinitang aktres.

Alam namin na naging matinong boyfriend si Xian kay Kim. Na hindi niya ito nagawang saktan o lokohin.Tumagal ng almost 12 years ang naging relasyon nila dahil ipinakita at ipinaramdam ni Xian na talagang minahal at nirespeto niya si Kim. Kaya walang dahilan para sabihin, na kung magsasalita si Kim tungkol sa hiwalayan nila ni Xian ay masisira ang career nito. Sigurado kami na hindi magagawang siraan ni Kim si Xian.

***

ANG Karma, na newest and hottest Drag Club ay pag-aari ng mga sumusunod: LGBTQIA++ Icon RS Francisco, Louie Gene Cabel, LGBT advocate and multi awarded business woman, Cecille Bravo, The Divine Divas —Precious Paula Nicole, Viñas De Luxe, Brigiding and celebrity couple Ice Seguerra and Liza Diño.

Ang pangalan na Rampa ay mula sa idea ni RS.

“Actually ako po yung nakaisip nag word na Rampa. Kasi po, may pinrodyus ako last year lang  na kantang Hala Rampa, na kinanta ng King of Catwalk na si Sinon Loresca,” sabi ni RS

Patuloy niya,”Ang plano ko po sana before, ang pangalan niya was Castro. Kaso inisip ko baka sabihin ng iba, Noli de Castro ba yan? Fidel Castro (dating presidente ng Cuba) ba yan? Kaya sabi ko, alam ko na, para ma-gets ng tao, mas kuha ng lahat, Rampa na lang.

‘Di ba ganun naman tayo, kapag may mga lakad tayo, sasabihin natin, ‘tara rampa tayo’ At ‘pag may tatanungin tayo kung saan pupunta ang isang tao, ang sinasabi natin, saan ka rarampa? Kaya ayun Rampa na lang ang ipinangalan ko.

“At nung sabihin ko ‘yun sa mga partners ko, umokey naman sila,” paliwanag pa ni RS.

Natutuwa naman si RS na nang kausapin niya ang mag-asawang Ice at Liza para sumosyo sa Rampa ay agad namang umoo ang dalawa. Hindi siya nahirapang kausapin ang mga ito.

Sa January 17 ang soft opening ng Rampa.