Advertisers

Advertisers

Kathryn at Nadine swak sa remake ng T-Bird at Ako nina Nora at Vilma

0 16

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ITINANGGI ni Lovi Poe na siya ay buntis kaya umalis na sa Batang Quiapo.

Nagpaalam na nga ito at tuluyan nang pinatay ang kanyang karakter bilang Mokang.



Inihayag din nito ang mga kadahilanan at hindi raw siya preggy.

Ang pag-alis daw nito sa BQ ay para sa pagdating ng mga bagong oportunidad sa kanyang buhay.



Tulad ng pagkakaroon ng baby na baka nga raw next year ay planuhin na nilang mag-asawa.

Hinahanda na nga raw ni Lovi ang bagong journey na kanyang kahaharapin sa kanyang buhay sa mga susunod na panahon.



Kinunan na nga ang huling scene ni Mokang kung saan ay nabaril ito sa ulo kaya dedo na ang karakter ni Mokang sa BQ.

***

ANG classic film ng 1982 na T-Bird at Ako ay pinangunahan nina Vilma Santos as bar dancer at Nora Aunor na isang lawyer.

Sa mga star ngayong henerasyon, natanong si Ate Vi  kung sino ang puwede sa mga artista ngayon para sa remake ng T-Bird at Ako.

Walang gatol ang Star For All Seasons na sumagot na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre raw.

Parehong mahusay kung magsasama raw sa isang project sina Kath at Nadine dagdag pa ni Ate Vi.

Kung sakali ay ito ang unang pagsasama sa project nina Kathryn at Nadine.

Well, well, well…’Yun na!