Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PINAGTATAASAN ng kilay ng mga nagmamahadera ang broadcast journalist na si Karen Davila.
Niligwak kasi ni Karen ang dalawang higante sa broadcasting na sina Jessica Soho at Korina Sanchez.
Pasok kasi sa Tatler Philippines Most Influential for 2023 si Karen samantalang hindi na-recognize ang ambag ng multi-awarded KMJS at Rated K hosts.
Si Jessica ay isang Peabody awardee na isa sa pinakamataas na karangalan na puwedeng ma-achieve ng isang journo sa larangan ng pamamahayag.
Hindi rin naman pahuhuli si Korina dahil toprating din ang mga naging shows nito.
May mga nag-oopinyon pang mas may K daw si Jessica o Korina kesa kay Karen na mag-land sa nabanggit na listahan.
Naging basehan nila ang IG ng KMJS at ni Korina Sanchez na may 2.1 million at 1.3 million followers respectively samantalang si Karen ay may 622k followers.
Hirit naman ng mga nagtatanggol kay Karen, deserved daw nito ang nasabing recognition.
May bentahe rin daw si Karen kina Jessica at Korina dahil namamayagpag ang broadcaster turned YouTuber sa social media bilang vlogger.
Sa kanyang channel ay meron itong 1.71 million subscribers samantalang ang Rated K ay may 765 k subscribers.