Advertisers

Advertisers

‘Pahalik’ sa Itim na Nazareno dinagsa ng deboto

0 7

Advertisers

TULAD ng inaasahan, dinagsa ng mga deboto ang tradisyunal na taunang ‘pahalik’ sa Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Sabado pa lamang ay matiyagang nag-abang sa Quiapo Church ang mga debotong hindi inalintana ang init, puyat at pagod para lang mahawakan at mahalikan ang poon ng Itim na Nazareno.

Inaaasahang papalo sa milyon-milyong deboto ang pupunta sa naturang tradisyon.



Alas-7:00 ng gabi ng Sabado nagsimula ang pahalik sa replika ng Itim na Nazareno at magpapatuloy ito hanggang Enero 10.

Pero ipinagbabawal parin ang paghalik sa imahen. Pinapayagan lamang ang paghawak at pagpunas gamit ang panyo o tuwalya.



Kung maalala, unang ipinagbawal ang nasabing tradisyon noong pandemya ng COVID-19 noong 2021.

Pinalitan ito ng “Pagpupugay” kungsaan ang mga deboto ay pinapayagan lamang tignan ang Itim na Nazareno. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">