Advertisers

Advertisers

Taxi driver binugbog na, binuhusan pa ng juice ng immigration officer

0 16

Advertisers

NAUWI sa panggugulpi ang away trapiko sa Taguig City sa pagitan ng isang kawani ng Bureau of Immigration ang nambugbog ng taxi driver.

Kinilala ang taxi driver na si Celso Delos Santos.

Sa report, binabagtas ni Delos Santos ang McKinley Road papunta sa isang mall 5:00 ng hapon nang masingitan at ma-cut niya ang lane ng immigration officer.



Mismong ang lalaking goverment employee ang nagmamaneho ng Toyota Fortuner kasama ang kanyang misis, bigla umano itong napapreno.

Nag-init umano ang ulo ng lalaki at sinundan ang taxi driver hanggang sa mall.



Matapos maibaba ng driver ang kanyang pasahero, bumaba rin ang lalaki para komprontahin ang una.

“Umilag ako para lumabas. Pagdating naman ng isang Fortuner, akala niya kinat ko siya, sinalbahe ko siya. Hindi siya bumaba agad. Naka-stop kami. Pag-stop namin, hindi pa siya bumababa. Ang ginagawa niya pala, sinundan niya ako,” lahad ni Delos Santos.



“Binaba ko yung pasahero. Mamaya nakita ko nalang na dumikit na sa akin yung Fortuner… tapos kinumpronta niya ‘ko: ‘P*** i** mo ang tanda-tanda mo na pero ‘di ka parin marunong magmaneho’.”

Hindi pa raw dito natapos ang sinapit ng driver dahil matapos pagmumurahin ay sinuntok pa raw siya at tinadyakan ng immigration officer.

“Galit na galit na siya. Ang ginawa niya, binuhusan niya ko ng juice sa mukha na malaki. Sa sobrang sama ng loob ko mayroon akong… binuhusan ko rin sila. Lumayo na sana ako noon. Paglayo ko, umaabante na ako, hinarang ako ng lalaki sa mga security guard,” ani ng taxi driver.

“Akala ko mag-uusap kami sa mga problema na ‘yun… itong asawang babae, akala ko tapos na, binuhusan ako ng mineral water na malaki sa mukha. Ito namang lalaki, akala niya papatulan ko asawa niya, inupakan agad ako sa mukha. “

Ayon pa sa biktima, pinipilit siya ng suspek na makipag-areglo pero desidido raw siya na magsampa ng kaso. Nagpasalamat din ito sa mga security guard ng mall at sa pulisya dahil sa mabilis na pagresponde sa insidente.

“Naghahanapbuhay kami. Ang iniisip nila, mayaman sila. May pera sila, hindi naman ganoon kalaki – unang-una dapat isipin nila wala naman kaming intensyon na salbahein sila,” anang taxi driver.