Advertisers
UMARYA na naman ang People’s Initiative, isa sa mga proseso para baguhin ang Saligang Batas.
Isa sa mga gusto mangyari ng mga nagtutulak amyendahan ang 1987 Constitution ay pahabain ang termino ng mga politiko. Halimbawa: Ang presidente at bise, mula sa isang termino na 6 years ay gawing 2 terms na tig-4 years, gayundin ang sa mga mambabatas at local executives. May gusto ring mangyaring alisin nalang ang mga senador, puros kongresista nalang; may nagsabi ring dagdagan ang bilang ng mga senador.
Siempre pumalag ang mga pumanday ng 1987 Constitution, nagsabing ang constitution na ito ang pinakaperpekto, pinakabalanse, kaya hindi na dapat galawin pa. Mismo!
Hindi na dapat pang galawin ang kasalukuyang saligang batas, kung may dapat mang baguhin ay ang mga politiko. Ipasa ang anti-dynasty law. Dahil ito ang rason kaya maraming lalawigan sa Pilipinas ang naghihirap dahil iisang pamilya lang ang nagmamando, higop nilang lahat ng katiwalian!
***
Nagsimula na nga raw umikot ang mga petition letter na pinapipirmahan sa mga tao. May bayad daw na P100 ang bawat pipirma. Kitam! Sa pagpapapirma palang kinokorap na ang mga tao.
Eh sino naman sa tingin ninyo ang magbabayad ng P100 sa bawat pipirma? Daang bilyones ang kailangan dito para makakalap sila ng kailangang bilang ng mga pirma, tapos kailangan pa itong kumpirmahin kung totoo ang pirma. Sa tingin n’yo ba sariling pera nila ang nilulustay rito? Hindi! Pera parin nating taxpayers yan. Ginigisa tayo sa sarili nating mantika!
Oo! Ginawa na ito noon ng Arroyo administration, kungsaan bumaha ng kuwarta, pinadaan sa mga mayor. Si Mayor naman ipinasa sa mga kapitan. Pero at the end walang nangyari, natapos ang termino ni Gloria Macapagal-Arroyo na bigo sa Charter Change, kumita lang ng todo ang local exectives! Itanong n’yo kay ex-House Speaker Joe De Venecia.
***
Say ni Senador Imee Marcos, ang susper ate ni Pangulong Bongbong, paiimbestigahan niya kung totoo ang bigayan ng P100 sa bawat pirma sa People’s Initiative para sa Cha Cha.
Sus! Eh sino ba sa tingin ninyo, mga paret’e mare, ang nasa likod ng Cha Cha eh hindi naman mangyayari ito kapag ayaw ng Presidente. Mismo!
Ang nag-i-initiate ng Cha Cha ay ang House of Representatives na pinamumunuan ng pinsan ni PBBM na si Martin Romualdez. Sa tingin ny’o ba, mga pare’t mare, basta lang kikilos si Martin nang walang bendisyon ng Pangulo? You know!!!
***
Sabi ni dating Pangulo Rodrigo Duterte retirado na siya sa politika, hindi siya interesado sa elective post sa sunod na eleksyon (2025).
“No more politics for me. I’m retired. Retired na talaga ako. I’m tired. Ayo na ng pulitika. Hindi naman ako nasusuka. I find it disgusting for me to still meddle in politics,” sabi ni Duterte.
Pero si Duterte ay kilalang napatuso. Ginawa narin niya ito noon sa pagtakbong presidente, gumamit pa nga siya ng dummy sa pag-file ng certificate of candidacy.
Anyway, nakatungkot na si Digong maglakad, sakitin na, maari ngang hindi na siya tumakbo lalo’t iniimbestigahan siya ng International Criminal Court sa ‘war on drugs’ at ‘Davao Death Squad’.