Advertisers

Advertisers

BAGO NA ANG OPISYALES NG PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS!

0 1,445

Advertisers

Suporta ang panawagan ngayon ng NEW OFFICERS mula sa NATIONAL OFFICERS ng PARTIDO FEDERAL NG PILIPINAS (PFP) bilang solusyon sa nangyaring CONSTITUTIONAL CRISIS at LEADERSHIP VACUUM ng kanilang partido.

Ipinunto ni newly elected PFP NATIONAL PRESIDENT ANTONIO LAGDAMEO sa kaniyang liham kay dating CATANDUANES GOVERNOR LEANDRO B. VERCELES JR na lahat umano ng probisyon ng PARTY CONSTITUTION at BY-LAWS gayundin sa REVISED CORPORATION CODE ay kanilang sinunod nang magbotohan sila para sa bagong liderato.., dahil natapos na ang 2-year terms ng mga naunang NATIONAL OFFICERS noong September 18, 2023.

Si LAGDAMEO ang SPECIAL ASSISTANT ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR at ito rin ang NATIONAL EXECUTIVE VICE PRESIDENT ng PFP.., at sa naging botohan ay nagtapos na ang panunungkulan nina REYNALDO S. TAMAYO JR, THOMPSON C. LANTION at ATTY. GEORGE S. BRIONES bilang NATIONAL PRESIDENT, SECRETARY GENERAL at GENERAL COUNSEL ayon sa pagkakasunod-sunod.



Ang mga nahalal pang PFP NATIONAL OFFICERS ay kinabibilangan nina CONG. FERDINAND ALEXANDER A. MARCOS III, NATIONAL EXECUTIVE COMMITTEE CHAIRMAN; dating MAYOR ANTONIO C. RODRIGUEZ, NATIONAL SECRETARY GENERAL; ENGR. ANTONIO G. MARFORI, NATIONAL TREASURER; ATTY. RUDYARD A. ABILA III, COUNSEL; ASSAM M. ULLANGKAYA, NATIONAL AUDITOR; GABRIEL A. SOTTO, VICE-PRESIDENT FOR LIZON; LORENZO G. SAGUCIO JR, VICE PRESIDENT FOR VISAYAS; ULLANGKAYA, VICE-PRESIDENT FOR MINDANAO; MANUEL D. ANDAL, VICE-PRESIDENT FOR POLITICAL AFFAIRS; JULIUS CAESAR O. AGUILUZ, SENIOR POLITICAL ADVISER.

Sa hiwalay na liham kay PFP NATIONAL CHAIRMAN PRES. BONGBONG MARCOS nina VERCELES, bagong PFP NATIONAL SECRETARY-GENERAL ANTONIO C. RODRIGUEZ at NATIONAL TREASURER ENGR. ANTONIO MARFORI ay kanilang inilatag na anumang aksiyon nina TAMAYO, LANTION at BRIONES na may kinalaman sa partido ay maituturing nang “NULL AND VOID.”



Si VERCELES ay siya ring PFP Political Campaign Manager/National Chairman for Political Campaign Management.

“Had Tamayo, Lantion and Briones followed the party Constitution and By-Laws, by conducting an election for party national officers before Sept. 18, 2023, and potentially reelected themselves, the constitutional crisis could have been averted,” ayon kina VERCELES.., na upang masolusyunan ang naganap na krisis bunga umano ng kapabayaan nina TAMAYO ay bumuo sina VERCELES ng bagong halalan para sa mga BAGONG REGIONAL CHAIRMAN at OFFICERS.



Ayon sa mga NEWLY NATIONAL OFFICER ay inilihim daw ng 3 ang mga bagay na iyon dahil nais pa raw ng 3 ang tuloy-tuloy nilang panunungkulan sa partido.., na ito raw ang dahilan kung bakit nagkaroon ng krisis sa pamunuan at naganap ang reorganisasyon sa paghalal ng bagong mga opisyales sa pangunguna ni VERCELES.

***

TALAKAYAN SA BARANGAY SA PASIG CITY!

Bahagi sa pagiging TRANSPARENCY at COMMUNITY EMPOWERMENT ay inilunsad ni PASIG CITY VICE MAYOR DODOT JAWORSKI kasama ang kanilang CITY COUNCIL ang TALAKAYAN SA BARANGAY SERIES na tugon para sa kalutasan ng mga isyung kinakaharap ng mga residente sa kanilang lungsod.

Isinagawa ang inagurasyon ng naturang programa sa BARANGAY SAN MIGUEL, PASIG CITY na siyang pasimula ng WEEKLY CONSULTATIONS sa 30 BARANGAY ng kanilang lungsod.

“Ang nais nating pamamahala ay nakikinig, nakikidama, at tumutugon sa mga suliranin ng bawat Pasigueño. Ito ang gobyernong kakampi ng tao,” pahayag ni JAWORSKI.

Pinapurihan din ni VICE MAYOR JAWORSKI ang mga inisyatiba at kasalukuyang programa sa kanilang lungsod na aniya ay tagumoay sa reporma at pagbabagong inilunsad ni PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO noong 2019.

“This will be a regular program ng city council, tuloy-tuloy na po ito hanggang sa matapos ang aming termino., most of our issues are parochial, ibig sabihin talagang problema ng kanya-kanyang mga community.., again, yung mga trust natin eh yung mga programa na pangkalahatan, yung mga maliliit o smaller issues ng bawat community pwede po ma-address yan ng mga individual offices
so in the future major concerns po na pangkalahatan yung priority natin,” pagpupunto ni JAWORSKI.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.