Advertisers

Advertisers

HC ng GP!

0 12

Advertisers

Si Tim Cone o Tab Baldwin o Norman Black ba ang magiging bagong head coach ng Gilas Pilipinas?

Inaasahan na sila ang mga pangunahing kandidato na itatalaga ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas upang hawakan ang pambansang koponan.

Ang tatlo ay may mga karanasan na sa pag-upong mentor ng Team Ph.



Sinasabing si Cone ang paborito sa lahat kasi kakapanalo lang niya ng ginto noong nakaraang Asian Games. Siya rin pinakamaraming titulo sa PBA.

Saka lang papasok ang dalawa pa kung tatanggihan na ng Ginebra bench tactician ang posisyon



Ayon kay Ka Berong dapat siguro ay full time na ang puwesto. Dito lamang si Black sa tatlo. Sa ngayon ay consultant na lamang ang ama ni Aaron sa Meralco at San Beda. Si Baldwin ay abala naman sa Blue Eagles.

Bibigyan na raw kasi ng apat na taong kontrata ng SBP ang sinuman na mapipili nila.



Kaya dyahe kung may iba pang responsibilidad ang itatalaga.

Umpisa ang trabaho nitong Pebrero sa FIBA Qualifiers para sa Asian Championship.

***

Dalawang super-exciting na mga game ma may naging cardiac ending ang napanood natin noong Miyerkules.

Yung Phoenix vs Sacramento sa NBA at ang Meralco kontra Phoenix sa PBA. Parehong tambak ang Suns sa Kings at Bolts sa Fuel Masters pero sila ay naghabol ng todo kaya nagwagi pa sa dulo.

Yung Luigi Trillo coached-team ay nalamangan ng kinse at kinailangan ng tatlong overtime para makahirit sila ng winner-take-all sa Linggo. Bale panglabing-apat palang ito na may extension period ng tatlong ulit.

Ang Suns naman may 22 points na deficit na binura bago nagkaroon ng W.

Bihira ang mga ganitong laro at mapalad tayo na nasaksihan pareho. Kahit wala tayong idolo sa mga koponan nguni’t kung ganito naman ka-thrilling ang takbo ng match ay talagang hindi ka makakatayo sa inuupuan sa harap ng telebisyon.

***

Isa sa mga retiradong cager na aktibo ngayon sa social media ay si Onchie de la Cruz. May mga panayam sa kanya ang mga vlogger at mga TV/radio host na may streaming sa Facebook.

Kilalang enfocer-guard yan sa PBA mulla 1984 hanggang 1994. Malimit pinababantayan sa kanya ang mga small import noon gaya ni Carlos Briggs at Wes Matthews.

Sa mga lokal ay pinakamahirap naw mapigil sina Ricky Brown, Hector Calma at Johnny Abbarientos.

“Pinakamatindi sa kanila si Calma kasi di mo alam kailan titira o papasa, “ kwento ng 5’11 na ipinanganak sa Tondo.

Kahit si Robert Jaworski nakatapat niya at nagkapalitan ng mga “taktika”.

Nanirahan din ang ex Tanduay at Presto player sa Estados Unidos. Ngayon ay naaa Pinas na sia ulit kasama ang isang anak Sa Pasig siya nagtratrabaho bilang bahagi ng security staff.