Nagsasama na di kasal, inaanyayahan ni Mayor Honey na magparehistro para sa ‘Kasalang Bayan’
Advertisers
INAANYAYAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng mga nagsasama na hindi pa kasal na magparehistro sa local government upang makasama sa city-sponsored wedding hanggang reception, na gagawin sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Lacuna na ang registration ay nagsimula na para sa lahat ng gustong magpakasal sa civil o sa simbahan sa ilalim ng programa ng pamahalaang lungsod na “Kasalang Bayan”.
Nabatid pa kay Lacuna na ang lahat ng mga interesado ay maaaring magpunta sa Manila Civil Registry na pinamumunuan ni Encar Ocampo o nagpadala lamang ng mensahe sa kanilang Facebook page upang malaman ang kailangang detalye o impormasyon at lahat ng kinakailangan na requirements.
Ayon kay Ocampo, ang mga registrants ay i- entertained sa first come, first served’ basis dahil limitado lamang ang slots
Noong isang taon, si Lacuna, sa ilalim ng kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanya bilang alkalde ng lungsod ay nag-solemnized ng kasalan ng may 102 pares at nag- sponsor naman ng Church wedding ng 60 pares.
Napag-alaman na ang lady mayor, tulad ng dati sila ang bahala sa lahat ng bagay kung saan ang mga ikakasal ay walang gagastusin kahit Isang sentimo para sa kanilang pagpapakasal.
Sinabi ni Lacuna na ang mga ikakasal ay hindi na kailangan pang alalahanin ang mga ordinaryong gastusin tulad ng documentary expenses, wedding rings, candles, flowers, cord, veil, arrhae, venue, transportation at reception.
“Di ko lang sagot, ‘yung suot nila at mapapangasawa nila,” pagbibirong pahayag ng alkalde.
Napag-alaman pa na matagal ng ginagawa ng alkalde ang pagpapakasal ng mga unmarried couples simula pa noong siya ay City Councilor at Vice Mayor. (ANDI GARCIA)