Advertisers

Advertisers

PEOPLE’S INITIATIVE NA ISINUSULONG NI SPEAKER ROMUALDEZ, SUPALPAL SA SENADO

0 21

Advertisers

Nagpahayag ng pagkadismaya ang House of Representatives sa naging desisyon ng Senado na huwag nang isulong ang Resolution of Both Houses No.6 para pag-aralan ang pag-amyenda sa 1987 Constitution partikular ang economic provisions.

Ito ang tugon ni House Majority Leader Manuel Dalipe sa pahayag ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maraming senador ang tutol na sa RBH No. 6 dahil sa mga alegasyon ng pagbili ng pirma para maisulong ang People’s Initiative.

Ayon kay Dalipe,kung ang pahayag ni Sen. Villanueva ay totoo, nakalulungkot na nagdesisyon ang Senado nang hindi inalam kung may katotohanan ang alegasyon.



Una rito, sinabi ni Dalipe na paulit-ulit nang itinanggi ni Romualdez na siya o ang liderato ng Kamara ang nasa likod sa umano’y pagbili ng mga pirma para maisulong ang People’s Initiative.

Binigyang-diin ni Dalipe na tila pinaasa lang din ng Senado si Pangulong Ferdinand Marcos nang sabihin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na susuportahan ang “constitutional economic reforms” sa pamamagitan ng koordinasyon sa Kamara.



Dagdag pa ni Dalipe, ilang taon nang balakid ang Senado sa pag-usad ng amyenda sa ating saligang batas sa halip na bigyan ng pagkakaton ang pag-aaral para sa pag-angat ng ating ekonomiya.

” Amidst this disturbing development, it is worth noting that over the past 36 years, the Senate has unfortunately blocked repeatedly efforts to amend the outdated 1987 Constitution and depriving Filipino of a better Philippines,” pahayag ni Rep. Dalipe.



Susmaryosep naman Cong.Dalipe,tanga at tolongges na lang ang maniniwalang walang kinalaman si Speaker Romualdez sa isyu ng bilihan ng pirma para sa People’s Initiative.

Mismong mga alkalde na nga ng mga siyudad sa NCR ang nagsasabi.

Mismong si Mayor Joy Belmonte na nga ang nagbulgar ng bilihan ng pirma sa kanyang lungsod na mga mambabatas ng Quezon City ang pasimuno.

Pinatunayan ito ng mga barangay officials.

Masyadong garapal naman ang comment ng DILG sa ginawang ito patungkol sa bilihan ng pirma.

Na sa tingin natin ay di lang garapal kundi pakapalan na ng apog among members of Congress.

Masyado nyong minamadali at ginagarapal talaga.

Tingin nyo ba sa mga tao ay lahat mukhang pera at madadaan nyo sa suhol?

Batid naman ng bawat Pilipino na may ambisyong maging Prime Minister si Speaker Romualdez once ma-amyendahan ang Konstitusyon!

Anak ng pitong baka naman Cong.Dalipe, bobo na lang ang di makakabasa ng mga galawan nyo diyan sa Kongreso.

Subukan nyo pa ring ipagpilitan, baka magulat kayo sa mangyayari!

Masyadong nyo naman kasing ginarapal eh!

Sumobra ba kayo sa gigil o talagang atat na atat na ang bosing nyong si Speaker Romualdez?

Sabi nga,” action speaks louder than words.

The more na itinatanggi ni Speaker Romualdez na siya ang nasa likod ng bilihan ng pirma para sa ISINUSULONG na People’s Initiative,the more na nagmumukha siyang dakilang SINUNGALING!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com