Advertisers
Ni JIMI ESCALA
IPINAGDIRIWANG ngayon nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang ika-dalawampung anibersaryo bilang mag-asawa at kasabay na rin sa selebrasyon ang 18th b-day ng panganay nilang anak na si Gian Christopher Sommereux.
Isa sina Gladys at Christopher sa malalapit sa amin. Child actress pa lang noon si Gladys ay kung ilang beses na kaming naimbitahan sa bahay nila dati sa Valenzuela.
Sa isa sa mga una niyang ginawang pelikula na “Muling Buksan Ang Puso” with no less than the Star for all Seasons Vilma Santos ay nakitaan na ng galing ang isang Gladys Reyes. Doon kami unang nagkakilala ni Chic chic (tawag namin Kay Gladys).
First boyfriend ni Gladys si Christopher at never na link ang dalawa sa iba. Isa rin kami sa saksi sa ginanap na garden wedding nina Cou at Chic.
Nang muntik maghiwalay ang dalawa ay kasama namin ang ina ni Gladys na si Mommy Zeny na umiiyak at nagdasal kaming magkabalikan ang dalawa, huh!
Kaya ngayon, 20 years nang kasal pero 31 years of togetherness at very much happy together sina Christopher at Gladys.
“Life is so unpredictable kaya we’re always grateful at hindi kami pumapalya sa panalangin na patuloy pa kami bumilang ng maraming taon at makita naming lumaki ang mga anak namin,” banggit ni Gladys sa amin.
With four children na ngayon at malaki na rin ang kanilang bunso ay wala na raw silang balak na sundan pa si bunso, huh!
“Naku hindi na tama na yung apat. Okey na kami sa four kids kumbaga, quota na. Mas gusto na naming mag travel na lang, at enjoy ang bonding kasama mga kids namin,” dagdag pa ng isa sa mga lead star ng “Black Rider” ng Kapuso network.