Advertisers

Advertisers

Kris inakusahang may AIDS, basher inulan ng batikos

0 8

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAPABALITA noon ang napipintong pagbabalik sa spotlight ni Bimby Yap na anak ni Kris Aquino.
Ito ay pagkatapos na makipagkita siya sa King of Talk na si Boy Abunda.
Ayon naman sa multi-awarded host at kaibigan ni Kris, exploratory talks lang daw ang naging meeting nila noon ng bunso ng dating presidential sister.

Sa kanya namang Instagram account, ibinalita ni Kris ang patuloy na pag-uundergo niya ng medical treatment.
May mga balita ngang sa current state of health nito ay nakitaan siya ng sintomas ng lupus.
Marami namang followers niya ang patuloy na nagdarasal sa kanyang paggaling tulad nina Pokwang, Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Jenny Miller, Carmina Villarroel, Darla Sauler at marami pang iba.
Sey naman ng isang IG user: “Love you madam! Be well! We are all praying for you!”



Sagot naman ng dating multimedia star, posibleng umuwi na raw ng Pinas ang kanyang bunso after her birthday sa February 14.
Lumalaki na raw kasi ang bayarin nila sa hospital kaya posibleng magbalik na ito sa pagtratrabaho.
Kahit na may sakit, umandar pa rin ang pagiging stage mother ni Kris kay Bimby.
Aniya, kung sakali raw magbabalik-showbiz ang anak, bet daw niya na huwag nang baguhin pa ang screen name nito.

Sa naturang thread, isa namang mahadera ang nagsabing hirap daw pala ng sakit ni Kris na may AIDS.
Umani naman ng samu’t saring batikos ang naturang basher mula sa mga kaibigan at tagapagtanggol ni Kris.



Nagbabala pa ang mga ito na dapat maging maingat ang detractor sa mga salitang binibitawan nito lalo pa’t hindi naman AIDS ang karamdaman ng dating TV host-actress.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">