Advertisers

Advertisers

Kolorum van prayoridad na makakuha ng pasahero at makapila kaysa legal sa Central Terminal ng Baler Aurora, paging Mayor Angara!

0 11

Advertisers

Gaano katutuo mga Ka Usapang HAUZ na pinagyayabang ng mga parking attendant dyan sa bayan ng Baler Aurora na walang makapag-parada ng sasakyan sa Central Terminal partikular ang mga bumibiyaheng Van patungong Metro Manila, Cabanatuan at iba pa kung walang permit galing munisipyo?

Huwag na nating pangalanan ang mayayabang na sinasabing mga tauhan ni Baler Aurora Mayor Rhet Angara na siyang namamahala at baka mawalan pa ang mga ito ng trabaho at tiyak kakalam ang sikmura ng pamilya nito.

Nais ng Usapang HAUZ na kalampagin ang tanggapan ng butihing Alkalde ng Baler upang ipagbigay alam ang pinagyayabang ng mga parking attendant na “No parking permit na issue galing sa Munisipyo No parking sa Central Terminal, gaano ba ito katutuo mayor Angara?



Ilang mga legal na namamasada ng Van biyaheng Casiguran, Metro Manila, Dilasag, Cabanatuan at maging ang door to door travel ay pinagbawalan ng pumasok upang makakuha ng pasahero at ang binibigyang pabor ay ang mga Colorum na may pinapakitang permit na galing sa Munisipyo na pirmado ng Alkalde samantalang ang mga may franchise ay pinagtatabuyan.

Sa pagkaka-alam ng Usapang HAUZ ayaw ni Baler Aurora Mayor Angara ng mga usapang ka iligalan tulad na lang ng inerereklamong Colorum Van na mas siga pa sa may mga franchise na galing LTFRB, kaya siguro binibigyang pabor ng mga Central Terminal parking attendant ay dahil sa sinasabing lingguhang parating ika nga ay payola.



Kaya Mayor Angara para hindi makaladkad ang iyong malinis na pangalan ay mas mabuting paimbestigahan mo ang gumagamit ng iyong tanggapan para paboran ang ilegal colorum van at ipagtabuyan ang mga legal van.

Bigyan naman natin ng pansin ang tila tutulog tulog sa pansitan na hepe ng Baler Aurora Land Transportation Office (LTO) Chief Renato Macalinsag kung bakit naglipana ang mga Colorum vehicle partikular ang Van at hindi hinuhuli, baka nga tutuo ang sinasabing may malaking parating sa iyong tanggapan, nagtatanong lang po sir?



Isama na rin natin mga Ka Usapang HAUZ ang tanggapan nitong si Baler Aurora PNP Highway Patrol Group (HPG) Chief PEMS Christopher Mariano para kalampagin upang magising sa pagkakahimbing hinggil sa mga Colorum Van na labas masok sa kanyang nasasakupang lugar, baka nga tulad ng sinasabing may parating sa LTO ay meron ka din sir galing sa samahan ng mga Colorum?

Muli ay nais tawagan ng pansin ng Usapang HAUZ ang mga magigiting na opisyal ng pamahalaan tulad nina HPG chief Mariano, LTO boss Macalinsag at Mayor Angara para mabigyan ng aksiyon ang mga naglipanang mga ilegal Van na namamasada at hayaang ipaubaya sa mga legal.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036