Advertisers

Advertisers

‘BAGONG PILIPINAS’

0 39

Advertisers

MATAGAL na dapat ginawa ito. Iba ang pinagkaabalahan ng mga nakaraang administrasyon. Naging abala sa maramihang patayan, o extrajudicial killings (EJKs) sa ngalan ng digmaan kontra droga ang administrayon ni Gongdi. Mas pinaboran ni Gongdi ang pumatay imbes na bumuhay at turuan ang mga adik at tulak sa droga.

Maigi na nawala sa poder si Gongdi. Mas pinagkakabalahan niya ngayon ang pagtatanggol sa sarili sa International Criminal Court (ICC) kung saan nahaharap siya sa sakdal na crimes against humanity na isinampa ng mga grupong oposisyon sa pangunguna ni Sonny Trillanes. May sariling dynamics ang sakdal kontra Gongdi sa ICC. Gumagalaw iyon sa ayaw o gusto ni Gongdi. Hindi siya kailangan bigyan ng proteksyon.

Noong Linggo, umarangkada ang kilusang “Bagong Pilipinas” na ang pangunahing layunin ay pangunahan ang pagbabago sa mga halagain ng mga Filipino. Ginanap ang kickoff rally sa Luneta na dinaluhan ng halos 200,000 mamamayan na naniniwala sa pangangailangan ng pagbabago sa ugali at halagain ng bawat Filipino.



Noong Sabado, humarap sa mga mamamahayag ang mga batang lider ng “Bagong Pilipinas” upang ipaliwanag ang pakay ng kilusang “Bagong Pilipinas.” Ipinaliwanag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary, PCO Undersecretary Gerald Baria, at DILG Undersecretary Odilon Pasaraba na layunin ng kilusan na papaalabin ang damdaming makabayan ng maraming Filipino at pukawin ang isipan at damdamin na maging positibo sa mga kaganapan ng bansa.

Ipinaliwanag nila sa Saturday News Forum, pangunahing layunin ng kilusan na baguhin ang ugali at pananaw ng mga Filipino na puksain ang ugali ng mga Filipino na maliitin ang sarili. Hindi dapat maliit ang tingin natin sa sarili,” ani Villonco, isang dating mang-aawit na pumalaot sa larangan ng paglilingkod sa sambayanan.



Binigyan diin ni Baria na magaling ang mga Filipino at makikita ito sa kanilang ugali at gawa lalo na kapag sila ay nasa ibang bansa. Kaya nila itong gawin kahit nandito sila, aniya. Ang kulang lang ay bigyan sila ng lakas ng loob.
***
SA GANANG amin, mas magandang hindi sagutin ni BBM si Gongdi. Hayaan siyang magtatalak. Mas maganda na hindi pinapansin si Gongdi sapagkat walang matwid upang makipagbungangaan sila.

Para sa amin, may dalawang paraan upang sumagot sa argumento na mahirap sagutin o manalo: hamunin ng suntukan ang kabilang panig; or siraan ng todo-todo. Hindi marunong makipagpalitan ng katwiran si Gongdi. Ang alam niya ay manira or magbarumbado, o kaya pumatay ng kanyang kapwa. Hindi niya alam ang makipagtagisan ng galing at talim na katwiran. Hindi siya sanay na nag-iisip. Hindi niya alam ang makipagtalo.



Hindi na namin uulitin ang paninira ni Gongdi. Hindi salita ng marangal na tao ang mga sinabi ni Gongdi laban kay BBM. Itinuturing siya na taong walang dangal. Hindi nanira sa kanya si BBM. Sapat na sabihin namin na mukhang ito na ang hudyat upang maghiwalay ang dalawang pamilya pulitikal. Matagal nang inaabangan ang kanilang paghihiwalay.

***

OPISYAL na pahayag ni Gen. Romeo Brawner tungkol sa kilusang “Bagong Pilipinas.”

On the AFP’s Commitment to National Transformation
The Armed Forces of the Philippines congratulates our Commander-in-Chief for a successful launch of the Bagong Pilipinas national effort. In heeding his call for national transformation, the AFP shall be at the vanguard.

In our national effort to usher in this vision, the AFP shall remain to be a highly professional military organization, loyal to the Constitution, the chain of command, and our People.

The AFP shall continue to be united, competent, capable, and non-partisan – steadfast and committed to our mandate of protecting our People and securing our State from all threats, foreign and domestic.

I enjoin our soldiers, airmen, sailors, and marines to take to heart the message of our Commander-in-Chief and become exemplars of what it means to be a Bagong Pilipino in a Bagong Pilipinas by remaining focused on our mission, true to the tradition of bravery, duty, loyalty, and sacrifice in our noble profession of arms.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Pagkatapos ng kaguluhan nung Linggo, minura at ininsulto na ng tatay at mga kapatid mo, tapos kapit-tuko ka pa rin as DepEd Secretary? Konting hiya naman. Magresign ka na as DepEd Secretary.” – Sonny Trillanes

“Kapatid mo pinagreresign na ang Presidente. Tatay mo pinagbintangan siya na nasa listahan daw ng PDEA. Mga alyado niyo banat na ng banat. Hindi ka tumututol. Delicadeza na lang na dapat umalis ka na sa Cabinet diba? Hirap siguro talagang bumitaw sa puwesto kung nakikinabang.” – Barry Gutierrez, netizen

“Indeed, ICC cannot be deluded. Talaga naman kulang na kulang ang mga sinasabing imbestigasyon dito sa malawakang patayan sa ilalim ng Duterte drug war.” – Leila de Lima, dating political prisoner

“Bakit nyo idinadamay ang buong Pilipinas? It’s only Gongdi & his henchmen the ICC is after, not the entire country. It’s about accountability, not sovereignty.” – Joel Cochico, netizen, critic

***

Email: bootsfra@yahoo.com