Quiapo Church bilang “national shrine”, most welcome development sa Maynila – Mayor Honey
Advertisers
ITINUTURING ni Mayor Honey Lacuna ang pagkakadeklara sa Quiapo Church bilang “national shrine” na ‘most welcome development ng kabisera ng bansa.
Pero bago pa ang opisyal na deklarasyon, sinabi ni Lacuna na ang Quiapo Church o
Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno, ay matagal ng itinuturing na shrine, di lamang ng mga taga-Maynila at deboto ng Itim na Nazareno kung saan dito namamahay, kundi ng mga mananampalatayang Katoliko dito man sa Pilipinas o sa ibang bansa.
Ayon sa alkalde na dumalo sa misa kaugnay pagkakaangat ng ranggo ng Quiapo Church mula sa dati nitong estado na archdiocesan shrine sa pagiging isang national shrine ay malaking tulong sa lungsod bilang host sa isang simbahan na may ganitong estado at makakapagbigay inspirasyon pa sa mas maraming Katoliko na mas maging malalim pa ang debosyon.
“We expect more people to be drawn to our very popular Quiapo Church, which had created a huge religious and cultural impact on the nation as a whole, even bridging the gap between societal classes particularly during the holding of the annual ‘Traslacion’, easily the most deeply-revered religious event in the country” pahayag ng lady mayor.
Kilala bilang Saint John the Baptist Parish, ang Quiapo Church, ay kinilala ni Pope John Paul II noong 1987 bilang Minor Basilica of the Black Nazarene dahil sa cultural impact ng pagiging relihiyoso ng mga Filipinos noong 1987. Naging bantog ito sa milyung-milyong deboto na dumadalo sa prusisyon ng Black Nazarene tuwing January 9, bilang pinakatampok sa selebrasyon Pista ng Itim na Nazareno.
Ibinigay ni Msgr. Bernardo Patin, secretary-general Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), kay Quiapo Church rector Fr. Jun Sescon ang decree na kumikilala sa Simbahan ng Quiapo bilang national shrine.
Matatandaan na noong bishops’ 126th plenary assembly sa Aklan noong Hulyo ng nakaraang taon, nagdesisyon ang CBCP at inanunsyo na mula sa pagiging archdiocesan shrine, ang Quiapo Church ay opisyal na idineklara bilang national shrine sa petsang January 29, 2024 at inaprubahan ni Archbishop Jose Cardinal Advincula ang petisyon na italaga ang tahanan ng centuries-old image ng Black Nazarene bilang 29th national shrine ng bansa.
Ang national shrine ay isang Catholic Church o sagradong lugar na nakapasa sa mga requirements at binigyan ng karangalan ng national episcopal conference bilang pagkilala sa special cultural, historical, and religious significance. (ANDI GARCIA)