Advertisers

Advertisers

Sino kaya kina PBBM at ex-Pres. Duterte ang sangkot sa droga?

0 13

Advertisers

SINO kaya kina Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at dating Pangulo Rody “Digong” Duterte ang talagang adik sa mga iligal na droga o adik sa illegal drug trade?

Bakit hindi sila sabay na magpa-drug test, at tanungin naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung sino kina Bongbong at Digong ang talagang nasasangkot sa illegal drug trade o nasa drug list ng ahensiya?

Nitong nakalipas na Linggo, sa prayer rally sa Davao City ipinagsigawan ni Digong na si Bongbong ay nasa drug list ng PDEA: “Mayroon tayong presidente na adik, putang-ina!”



Bago ito, sa leader’s forum sa Davao City rin Linggo ng tanghali, halos 20 beses pinagmumura ng anak ni Digong na si Mayor “Baste” si PBBM. Pinag-re-resign niya ito. Tamad at walang compassion daw si PBBM. Namili raw ito ng boto noong 2022 election. Araguy!!!

Nung araw ding iyon ng Linggo ng gabi, nasa Luneta, Manila sina PBBM at kanyang Vice President na anak ni Duterte na si “Inday” Sara, para sa pagdeklara ng “Bagong Pilipinas”.



Pero pagkatapos magpakita ni Sara sa Luneta ay lumipad agad ito patungong Davao City para dumalo sa people’s rally o anti-people’s initiative kungsaan pinagmumura ng mag-amang Baste at Digong si PBBM pati si House Speaker Martin Romualdez, ang pinsan ni Marcos.

Sa ipinakitang ito ni Sara, halata ang kanyang kaplastikan sa Marcos. Tuloy, sinabi ng mga nakapuna “dapat mag-resign nalang si Sara sa gabinete ni Marcos”. Tama!



Balikan natin sina Digong at Bongbong. Sino nga kaya sa dalawa ang nasasangkot sa iligal na droga?

Rewind: Noong 2022 election campaign, bago nag-tandem sina BBM at Sara, ipinagsigawan ni Digong sa madla na si Bongbong ay “bangag”, “spoiled brat” at iba pang malulupet na mga salita.

At muli niyang inulit ito nung Linggo. Nung mayor palang daw siya ng Davao City ay nakita niya sa listahan ng PDEA ang pangalan ni BBM. Araguy!!!

Pero agad dinenay ng PDEA na kailanman ay hindi nalagay sa kanilang drug list si BBM.

Si Digong naman ay inakusahan ng umaming hitman ng Davao Death Squad na si retired police Arturo Lascanas na si Duterte ang “lord ng drug lords” at ito raw ang pinaka-boss nila sa DDS na kung tawagin nila ay “Superman”.

Ka-partner daw ni Digong ang “drug lords” na sina Michael Yang at Charlie Tan, kapwa Chinese nationals.

Kung naaalala ninyo, mga pare’t mare, si ex-Colonel Eduardo Acierto ng PNP Drugs Enforcement Group, sinabi niyang si Michael Yang ay drug lord, may-ari ng ni-raid nilang shabu lab sa Davao City. Tugma ito sa expose ni Lascanas.

Si Charlie Tan naman ay isinangkot sa pagparating ng nahuling P6.4 billion halaga ng shabu sa isang warehouse sa Valenzuela City noong 2017, isang taon pagkaupo ni Digong sa Malakanyang.

Sina Michael Yang at Charlie Tan ay may mga larawan na kasama ang mga anak na lalaki ni Digong na sina ngayo’y Congressman Paolo Duterte at Mayor Baste. Ang mga larawang ito ay ipinakita pa sa Senate inquiry ni ex-Senator Antonio Trillanes.

Ang mga expose nina Lascanas at isa pang DDS hitman na si Edgar Matobato, Acierto at Trillanes ay detalyado at may mga supporting evidence pero dinedma ng nakaraang administrasyin. Dapat buhayin ito ng Kongreso ngayon.

Dapat din hingan si Digong ng ebidensiya sa pag-akusa kay PBBM na ito’y sangkot sa iligal na droga at isang adik!

Say n’yo mga pare’t mare?

Kayo? sino sa tingin ninyo sa dalawa ang sangkot sa droga?