Advertisers

Advertisers

HURRAY SA PSA!

0 15

Advertisers

HIGH Five ,galamano at pagbati ang mga natanggap na papuri mula sa sports community at sportswriting fraternity para kay Philippine Sportswriters Association (PSA) President Nelson Beltran ng Philippine Star matapos mairaos ang prestihiyosong PSA Annual Awards Night kamakalawa sa main ballroom ng Diamond Hotel sa Maynila.

SRO ang buong galeriya at nagsidalo ang nasa higit isandaang ginawaran ng parangal mula sa mga atleta, coaches, NSA officials, PSCand POC heads pati na ang mga nagtaguyod ng gabi ng parangal. Buong kagalakang tinanggap nina Hangzhou Asian Games gold medalists Annie Ramirez, Maggie Ochos at Gilas Pilipinas men’basketball ang PSA trophies na simbulo ng kanilang kagitingang karangalan para sa bansa habang ang “Athlete of the year” awardee na si AG gold medalist at #2 pole vaulter sa mundo na si EJ OBIENA ay naka-phone patch mula sa Italy kung saan ay naghahanda na sya para sa misyong gintong medalya para sa Paris Olympics ngayon taon.

Kinikilala rin ng oldest media organization ng sportswriters na PSA ang mga kagitingan ng mga atletang namayagpag sa nakaraang Cambodia SEAGames pati na ang mga Pinoy Para Athletes



Tampok din ang lifetime award kina former PBA superstar/Legend Allan Caidic at namayapang si Samboy Lim, Joe Lipa, Turo Valenzona at Dante Silverio pati na ang paggunita sa mga naiwang legasiya ng mga pumanaw na sport personalities nitong nakaraang taong 2023.

Ginawaran din ang mga nagpakitang gilas sa larangan ng boxing, football, volleyball, chess, obstacle race, FL academy, wushu, bowling, gymnastics, billiards, horse racing, Esports, Tony Siddayao, awards naman sa pangunguna ni youngest back-to-back Jiujitsu world champ Aiele Aguilar. Team Manila (RP Blu Girls).



Top executives sina SMC president / CEO Ramon S. Ang at First Pacific Company chairman Manny V. Pangilinan.

Pinasalamatan ni Pangulong Beltran at VP Francis Ochoa ng Inquirer ang mga suporta sa tagumpay ng kaganapan partikular ang Arena Plus,PSC,POC, MILO Philippines,PBA ,Premiere Volleyball League,Rain or Shine at 1-Pacman Party List ni Rep. Mikee Romero.



Suma total,grande ang tagumpay ng gabi ng parangal kaya saludo din sa mga miyembro ng PSA mula beterano hanggang bagito na nag- victory toast after ng program at umuwi na ang ngiti ay abot hanggang punong tenga. HURRAY PSA!