Advertisers

Advertisers

PAMUMUNO NI PBBM HINANGAAN NG MGA VIETNAMESE LEADERS

0 9

Advertisers

Sa kabila ng mga hamon sa pandaigdigang merkado, pinuri ng mga matataas na opisyal ng Vietnam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa anila’y kahanga-hangang pamumuno ng presidente kung saan nakapagtala ang Pilipinas ng mataas na antas ng paglago ng ekonomiya.

Sa kanilang pagpupulong, binati ni Vietnamese President Vo Van Thoung si PBBM sa mga tagumpay na nakamit sa socio-economic, dayuhang patakaran, seguridad, at depensa sa ilalim ng kanyang mahusay na pamumuno.

Ayon kay Thoung, mula nang umupo si Marcos bilang pangulo, marami nang tagumpay ang nakamit nito, lalo na sa aspeto ng pag-unlad sa ekonomiya ng bansa.



Sa kanyang panig, sinabi naman ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh kay Pangulong Marcos na nais nilang matuto mula sa kanyang economic strategy at leadership style na dapat tularan ng mga lider ng kanilang bansa.

Matatandaang sa ika-apat na quarter ng 2023, umangat ng 5.6 porsyento ang ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa nakaraang taon.



Sa mga umuusbong na ekonomiya sa Asya na naglabas ng kanilang GDP growth para sa ika-apat na quarter, pumangalawa ang Pilipinas sa fastest growing economies na sinundan ng Vietnam (6.7%), China (5.2%) at Malaysia (3.4%).

Nabatid na ang paglago ng ekonomiya ng bansa ay mas mataas din kaysa sa sinasabing antas ng pag-unlad sa Indonesia (5.0%) at Thailand (3.5%). (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">