Advertisers
BAGAMAT pinabulaanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala sa kanilang watchlist ng illégal drugs ang pangalan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., pero mabigat pa rin ang naging paratang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na isa umano itong drug addict.
“Nung ako mayor, pinakitaan ako ng evidence ng PDEA. Doon sa listahan, nandoon yung pangalan mo,” he said, referring to the Philippine Drug Enforcement Agency. “Away kong sabihin yan kasi magkaibigan tayo. Kung di man magkaibigan, magkakilala. Eh ikaw eh, pumapasok kayo nang alanganin. Mr. President, baka susunod ka sa dinaanan ng tatay mo. Diyan ako takot. Ayaw ko mangyari sa iyo ‘yan. Ako lang nagmamakaawa kasi it will divide the nation at madugo itong panahong ito,” ang pahayag ni Duterte sa ginannap na rally sa Davao City nito nakaraang Linggo.
“Based on all the foregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr. is not and was never in its watchlist,” sabi ng PDEA.
Dahil sa pahayag na ito ng PDEA, lumalabas na salungat ang paratang ng dating pangulo.
Ang sabi ni Pangulong Duterte ang ebidensiya na ipinakita sa kanya ng PDEA ay nung siya pa ang mayor sa Davao.
Hindi rin nagpatalo si Pangulong Marcos Jr. at agad ginantihan si PRRD na gumagamit ng gamot na pentalyne na 100 porsiyentong mas mabagsik kaysa morphyne at heroine.
Sa Kamara de Representantes, ang sabi ni Speaker Martin Romualdez igalang naman niya ang mandato ng taumbayan ng Pilipinas na ipinagkaloob sa kanyang pinsan. Masyado pa raw maaga para ibagsak ang Marcos Jr. administration na isang masipag at popular na presidente na ibinoto ng 31 milyong Filipino na hamak na mas malaki kaysa kay dating Pangulong Duterte.
Hindi nakatiis si Romualdez na balikan ang bintang ng dating pangulo. Tigilan aniya ang pag-aakusa kay Pangulong Marcos Jr., dahil baka mayroon siyang mga concern o issues na kailangang harapin sa batas na umanoy nalabag noon sa kanyang administrasyon.
Tinawagan din ng pansin ng lider ng Kamara ang mag-amang Duterte, si Davao City Mayor Sebastian Duterte, na isapubliko ang anumang pruweba at patunayan ang kanilang paratang laban kay Pangulong Marcos Jr.
Hinalintulad ni Romualdez ang paratang ng dating Pangulo na isang “budol-budol stories” mula sa Davao, na aniya’y tigilan ang paggawa ng akusasyon na hindi nila mapatutunayan.
Kamakailan lamang, pinagtibay ng House of Representatives ang isang resolusyon na nagpapahayag ng masiglang pagsuporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang “Bagong Pilipinas” program.
Ayon kay Speaker Romualdez ang pagpapahayag ng mensahe ng magkakaisa para kay Marcos Jr. ay sinang-ayunan ng mga lider ng political parties sa Kamara at sa all-majority party caucus nitong Linggo ng gabi.
Sinabi ni Romualdez na nagkakaisa ang major political parties na binubuo ng mga miyembro ng Kongreso ang buong pagsuporta sa Punong Ehekutibo sa kanyang pagsusumikap na magdulot ang isang Bagong Pilipinas at isang mas mabuting pamumuhay para sa sambayanang Filipino.
Ito ang nilalaman ng House Resolution (HR) No. 1557 entitled, “Expressing the strong and unqualified support of the House of Representatives to His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., for his leadership and sincere commitment to steer the country toward a ‘Bagong Pilipinas’ (New Philippines) through responsive and efficient service for the benefit of the Filipino people.”
Pinangunahan ni Romualdez ang pag-aakda ng resolusyon at co-authors sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Deputy Speakers Roberto Puno, Camille Villar, Antonio Albano, David Suarez at Kristine Singson-Meehan; Representatives Yedda K. Romualdez, Jude Acidre, Robert Ace Barbers, Michael John Duavit, Brian Raymund Yamsuan, Johnny Pimentel, Albert Garcia, Tobias Tiangco, Jose Aquino ll, Elizaldy Co, LRay Villafuerte, Jesus Eleandro Madrona, Wilfrido Enverga, Jesus Jurdin Romualdo, at Angelica Natasha Co.
Sa aking natatandaan, maaring nagsimula ang bangayan na ito nang palitan bilang Senior House Deputy Speaker si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo. Ang kanyang kabalen na si Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ang ipinalit kay GMA dahil umano sa bantang kudeta para patalsikin si Romualdez bilang speaker ng Kamara.
Sinundan ito ng pagtanggal sa confidential at inteligence funds ni Vice President Sarah Duterte-Carpio sa Office of the Vice President at Department of Education.
Isama na rin natin ang P51 billion na naging pondo ni Davao Rep. Paulo Duterte noon panahon ng kanyang ama. Ang sabi ni House committee on appropriations chairman Elizaldy Co hinahanap niya ang mga dokumento na magpapatunay na nakatanggap nga ng tumataginting na P51 billion unprogrammed funds ang 1st district ng Davao City.
Maaring totoo ang report na ito, sabi ni Co.
“That is so much yan P51 billion…Wala pa akong hawak na dokumento pero pinapahanap ko na po ito. Mukhang 99 percent itong P51 billion mukhang totoo po yan,” ang sabi ni Co sa isang said in a radio interview noong January 18.
Ilan ito sa mga bagay-bagay kaya nagsimulang magbuhol-buhol ang isyu hanggang sa pagpalitan ng masamang salita ang pami-pamilya.
Sa lahat ng bangayan na nangyayari ngayon sa ating mga opisyales ng pamahalaan, walang ibang apektado rito kundi ang sambayanang Filipino.
Bakit kaya hindi matigil ag bangayan ng mga nasa kapangyarihan? Imbes na magtulungan upang lalo pang lumago ang ating ekonomiya, iba ang nangyayari, away dito, away doon!
Hoy, ano ba kayoooo, hindi nyo ba kami titigilan?
***
ICC papasukin kaya sa Pinas?
ETO pa isang mabigat-bigat na isyu na pilit na ikinakabit kay Speaker Martin.
Bago matapos ang taong 2023, pumutok ang balitang pagpasok ng International Criminal Court (ICC) para imbestigahan si former President Rodrigo Duterte sa umano’y “crimes against humanity sa libo-libong namatay sa panahon ng tinatawag na “war on drugs.”
Pinagbintangan ng kampo ng dating pangulo ang Kamara de Representantes na nasa likod ng pagpasok ng ICC sa ating bansa.
Subalit nagpahayag noon si House Majority Leader at Zamboanga City Congressman Manuel Jose Dalipe na walang inilabas na direktiba si Speaker Martin kaugnay sa House Resolution 1477 na layong makipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa ICC para imbestigahan nga si dating Pangulong Duterte.
Ang sabi ni Dalipe, HR 1477, na humihiling sa Marcos Jr. administration na makipagtulungan sa ICC, ay trinato bilang isang ordinary measure na dapat dumaan sa pamamagitan ng normal legislative process.
“In extraordinary cases where the Speaker wants to expedite House action on certain measures, he would usually ask the House Committee on Rules, which he also chairs, to prioritize the schedule of deliberations and plenary action, sabi ni Dalipe.
“As Chair of the Committee on Rules, I know for a fact that there is no instruction from the Office of the Speaker that requires us to give special attention to the House Resolution seeking our cooperation with the ICC. This will be treated like all other House Resolutions, but we have to respect the autonomy of the legislative process and the necessity for adherence to established procedures,” dagdag pa ni Dalipe.
***
Hao shao photographer
MATIGAS talaga ang ulo nitong retired photographer dahil ayaw umalis sa kwarto na gamit pa niya hanggang ngayon at umaastang in-House photog pa rin gayong naka-assigned na siya sa Office of the House Secretary General.
May ilang taon na rin retirado ang “self-proclaimed” hepe-hepe ng in-House photo coverage team pero maangas pa rin ang loko.
Hindi kasi malinaw ang assignment ni Mokong, eh.
Bakit ‘ika mo? una, sino ang nagbibigay sa kanyang ng order para I-cover ang committee hearing?
Pangalawa, kanino nya sina-submit ang mga photos na kinukunan nya sa mga committee hearings? Pansariling interes kaya?
Pangatlo, baka naman hindi niya mabitiwan ang mga kliyenteng congressmen at congresswomen kaya ayaw tumigil ng kapi-pitik? Wow naman… nagtatanong lang po, hehehe.
SecGen Reggie Velasco baka pwede mong kastiguhin itong maangas na retiradong “hao shao” photographer.
Ngapala, ‘yung mga sinibak sa opisina, ‘wag na kayong umapela…deserb nyo ‘yan! Whaaaaaaa!