Advertisers

Advertisers

Pagdinig ng Senado ukol sa People’s Initiative, pinatitigil ng Kamara

0 6

Advertisers

UMAPELA si House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe sa Senado na sana’y itigil na nito ang patuloy na imbestigasyon kaugnay ng umano’y suhulan para sa mga botante hinggil sa pangangalap ng pirma bilang kampanya sa isinusulong na People’s Initiative ng Kamara de Representantes.

Katwiran ni Dalipe na may desisyon na ang Commission on Elections (Comelec) para sa indefinite suspension sa pagtanggap ng mga nakalap na pirma ukol sa PI bukod pa sa panawagan para sa nagsusulong nito na bawiin na ang mga signature sheets mula sa mga sa mga local Comelec offices.

Dagdag pa ng mambabatas na may ilang senador umano ang nawawalan na ng interes sa ginagawang imbestigasyon sa pangunguna ni Senador Imee Marcos at sa halip ay ituon na lamang nito ang atensyon sa Davao City bukod pa sa patuloy na pagkabigo ng mga saksi na makapagpresenta ng mga ebidensya sa umano’y suhulan.



Aniya, mas makabubuti pa sa liderato ng Senado na ibaling na lamang ang kanilang atensyon para tulungan si Senate President Juan Miguel “Migz” Zuburi ang naunang self-imposed deadline para sa deliberasyon ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 6.

“Magtulungan na lang para maipasa ang RBH 6, sigurado wala na ang PI,” ani Dalipe.



Bukod pa rito, sinabi ni Dalipe na may anunsyo na ang Comelec sa publiko na ito’y abala na bilang paghahanda sa 2025 mid-term elections at wala na umanong panahon para sa idaraos na plebisito sakali mang magtagumpay ang people’s initiative. (Henry Padilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">