Advertisers

Advertisers

HIDWAANG CLAUDINE AT ANGELU LUMALALA

0 14

Advertisers

Ni BETH GELENA

IN-explain ni Claudine Barretto ang naging pahayag kung bakit ayaw niyang makatrabaho si Angelu De Leon.

Sa video na inilabas, ilang articles na aniya ang naging dahilan nito.



Kaugnay ito sa mga opinyon daw ng aktres sa mga isyu tungkol sa pinagdadaanan noon ni Claudine patungkol sa pamilya niya.

Matatandaang nawindang si Gladys Reyes matapos ang naging pahayag ni Claudine na ayaw niyang makasama sa pelikula si Angelu.



Paliwanag ng aktres ang dahilan kung bakit ganun ang naging pahayag  niya, “Nakadapa na ko, sisipain mo pa.”

“At my lowest, bigay siya nang bigay ng opinion. Meron pa siyang, ‘I DON’T FIND IT OFFENSIVE.’ Nagbigay daw ng opinyon si Angelu kaugnay sa naging isyu ng pamilya nila.



Dagdag pa ni Claudine, noon pa man daw ay ganun na si Angelu sa kanila ni Juday.

“NAKADAPA NA KO, SISIPAIN MO PA? At isa pa DI KAMI CLOSE. Noon pa lang ganyan na sya samin ni Juday.”

***

KATHRYN EMOTIONAL HABANG NAGBIBIGAY NG SPEECH

KINONGRATULATE ni Jericho Rosales si Kathryn Bernardo sa contract signing ng aktres sa ABS-CBN last Saturday.

Pinabulaanan ng aktres na lilipat siya sa artist management ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nunez.

Nag-renew last Saturday ang aktres ng kontrata sa Kapamilya Network.

Agad na kinongratulate ni Echo ang dalaga sa renewal nito.

Umaasa si Echo na sana ay magkatrabaho sila ni Kath balang araw.

“I hope that we can work on something someday, and we will work on that promise.”

Nagbigay naman ng mensahe ang aktres.

“Sinabi ko sa kanya di kita iiwan.”

Ayon pa kay Kath they are the very people who did not turn their backs on her when she was going through something.

Sa gitna ng  speech ay umagos ang kanyang luha: “Thank you for giving me freedom to choose.”

***

NETIZENS INGGIT MUCH KAY HEART

NAG-react ang netizens nang nakadaupang palad ni Heart Evangelista ang Korean actor na si Lee Min Ho.

Nasa Thailand ang Kapuso actress para sa isang event.

She attended the opening of Fendi Men’s Boutique in Siam Paragon.

Kasama niya ang Thai actors na sina Mario Maurer, Dew, Blue, at Tor.

Ang nakapagbigay ng atensyon sa netizens ay nang ma-meet niya si Lee Min Ho.

Nagkamay ang dalawa at nagpose

along with Singaporean public figure Mae Tan, Thai actress Ranee Campen, at Singaporean actor Desmond Tan.

Komento ng netizens: “Bakit ikaw nalang lagi pinagbibigyan ni Lord?!”

“Lee Min Hooooooo lintek Love Marie! Nanginginig ako”

“Sumusobra ka na haaaaaaaaaa char”

“MHIE ANONG AMOY NI LEE MIN HO”

“swerte ni oppa lee min ho na shake hands niya si mamang”

“Grabe na ang level mo Mareng [Heart] Lee Min Ho levels na sis!! So proud of you!”