Advertisers
Ni JIMI ESCALA
GAYA ng Metro Manila Film Festival ay maituturing ding success ang first ever Manila International Film Festival na ginanap sa America.
Umani ng mga papuri mula sa jampacked crowd na tumangkilik sa mga pelikulang naging entries sa katatapos na MMFF na kung saan nanguna sa pinilahan ang mga movies na Rewind, When I Met You In Tokyo, Mallari at iba pa, huh!
Kahit wala roon sa America ay naramdaman din ng mga nanood sa pelikulang WIMYIT ang presensiya ng Star for all Seasons.
Sa pamamagitan ng live feed ng dating artista ng kapatid ni Sharmaine Arnaiz na si Bunny Paras nag-video call si Ate Vi.
Ito ay habang nasa stage si Boyet De Leon para sa Talk Back na nagsilbing host si Bunny. Kaya instant na nakausap ni Ate Vi ang mga nanood ng pelikula nila ni Boyet na pinipilahan nang husto hanggang sa ngayon.
Sold out ang gala night at awarding ng MIFF kung saan nagkakahalaga ng 275 dollars, huh!
Siyempre, tuwang tuwa ang organizers ng MIFF at napatunayan ng lahat na gusto pa rin ng mga kababayan natin sa America ang tambalang Vilma at Christopher dahil sa lakas ng pelikulang “When I Met You In Tokyo”.
***
ANG Star for all Seasons Vilma Santos pa rin ang nagawaging best actress para sa pelikulang “When I Met You in Tokyo”sa MIFF. Ang leading man niya sa nabanggit na movie ang tumanggap ng award ni Ate Vi.
Tie naman sa best actor ang Kapamilyang si Piolo Pascual at ang Kapusong si Dingdong Dantes para sa mga pelikula nilang “Mallari” at Rewind.”
Parehong personal na tinanggap nina Piolo at Dingdong ang awards na ginanap sa Director’s Guild of America sa Sunset Boulevard, Los Angeles, California.
Tinanghal namang Best Picture ang winner pa rin sa MMFF na “Firefly” at ang director nito na si Zig Dulay ang nagwaging best director at hindi si Pepe Diokno ng GomBurZa, huh!
Hindi rin si Miles Ocampo ang Best Supporting Actress ng MIFF kundi si Alessandra De Rossi at kay Pepe Herrera naman ng pelikulang Rewind ang Best Supporting Actor at hindi si JC Santos ng Mallari.
Si Hilda Koronel naman ang ginawaran ng Lifetime Achievement Award.