Advertisers
MISTULANG nilaglag ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa ang kanyang “Tatay Digong” sa isyu ng PDEA drug watchlist.
Pinasinungalingan ni Bato ang ipinagsigawan ni Digong sa inorganisa nilang protest rally sa Davao City noong Enero 28 (Linggo) na nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Si Bato ang Philippine National Police (PNP) Chief nang ipatupad ng Duterte administration and “pekeng” war on drugs. Siya rin ang chief of police ng Davao City nung mayor ng lungsod si Digong.
Sinabi kasi ni Digong sa naturang rally na noong mayor siya ay nakita niya sa PDEA drug watchlist ang pangalan ni Bongbong Marcos. Pero hindi niya ito ginalawa nung presidente na siya dahil kaibigan niya ito.
Mariin ding pinabulaanan ng PDEA na nasa watchlist nila si Marcos.
Post ni retired Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa kanyang X account (dating Twitter): “Nilaglag ni Bato si Digong.”
Hmmm…kung ginawa man ito ni Bato, gusto n’ya lang marahil makaligtas sa mga “sekretong galawan” ng kampo ni Marcos laban sa Dutertes.
Si Bato ay kabilang sa mga dating opisyal ng Duterte administration na nahaharap sa ‘crimes against humanity’ sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs kungsaan sinasabing nasa 35,000 ang mga nasawi, pero sa tala ng PNP ay higit 6,000 lang ang mga biktima.
Ayon mismo sa dating spokesman ni ex-President Duterte na si Atty. Harry Roque, nangangamba na si Digong na siya’y aarestuhin anumang oras.
Hindi lang sinabi kung bakit at sino ang aaresto kay Digong. Pero batid ng madla na ang dating pangulo ay iniimbestigahan na nga ng ICC.
Subaybayan!
***
Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, dating tagapagsalita ni ex-Vice President Leny Robredo, hindi maaring kasuhan ng ‘sedition’ si dating Pangulong Duterte nang manawagan ang huli para ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. Wala pa naman kasi nangyari.
Pero maari raw kasuhan si Duterte ng ‘inciting sedition’ tulad ng ginawa nito sa kanyang mga kritiko at sa oposisyon noong presidente siya.
Dapat matikman din ni Duterte ang kanya ring mga ginawa. Mismo!
***
Nagsalita na ang halos lahat ng lider sa Mindanao. Tutol sila sa panawagan ni Duterte na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Sinabi nilang “pansariling interes” lang ang gusto mangyari ni Digong. Mismo!
Sinabi naman ni dating Senador Leila De Lima na isang “desperate attempt to deflect scrutiny and avoid accountability for his actions during his presidency” ang ginagawa ngayon ni Digong.
Si De Lima ay halos anim na taon nakulong sa kasong “tahi tahi” nang maging presidente si Duterte.
Hangad ngayon ni De Lima matikman din ni Duterte ang makulong ng maraming taon. ICC is the key! Abangan!