Advertisers
DUMATING na sa Manila si Justin Brownlee Martes ng umaga at inaasahang lalahok sa Gilas Pilipinas sa ilalim ng bagong head coach Tim Cone kapag ang team ay simulang mag praktis sa Pebrero 15.
Ang 6-fooot-4 Brownlee ay na-clear ng FIBA na maglaro sa first window ng Asia Cup 2025 Qualifiers kung saan makakaharap ng Pilipinas ang Hong Kong sa Pebrero 22 at Chinese taipei sa Pebrero 25.
Ang world’s basketball governing body ay pinarusahan ng three-month period of eligibility ang resident Ginebra reinforcement matapos mag positibo sa carboxy-THC, pinagbabawal na substance na nauugnay sa cannabis, sa panahon ng 19th Asian Games nakaraang taon.
Ang green light para kay Brownlee ay opisyal na inanunsyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas nakaraang Linggo.
“It’s good to be back,” maiksing tugon ni Brownlee ng kapanayamin ng News5 reporter Martie Bautista Martes ng umaga kung saan ang Gilas naturalized player ay sinamahan ni Philippine team manager Richard del Rosario.
Huling naglaro si Brownlee para sa Gilas Pilipinas sa 2023 Asian Games, pinamunuan ang Gilas sa men’s basketball gold medal sa Hangzhou,China para tapusin ang 61-year title drought ng bansa.
Ang 35-year-old Brownlee ay makakalaro ang huling national squad, sina Barangay Ginebra teammates Scottie Thompson at Jamie Malonzo, Meralco wingman Chris Newsome, TNT scorer Calvin Oftana, San Miguel Beer stars June Mar Fajardo at CJ Perez, Japan B.League Asian imports Dwight Ramos, Carl Tamayo, AJ Edu and Kai Sotto, at reigning UAAP MVP Kevin Quiambao ng La Salle.