Advertisers

Advertisers

163 Magsing-irog, ikinasal sa ‘Kasalang Bayan’ sa Valenzuela

0 174

Advertisers

Nasa kabuuang 163 magsing-irog sa Valenzuela ang nagdiwang ng kanilang Valentine’s Day at sabay-sabay na ikinasal sa libreng “Kasalang Bayan” na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian.

Bahagi ito ng pagdiriwang ng Valenzuela City’s 26th Charter Day at Araw ng mga Puso..

May 70 mag-asawang Valenzuelano mula sa District 1 at 93 namang mag-asawa mula sa District 2 ang lumahok sa mass wedding ceremony na ginanap sa Casa de Polo sa Barangay Poblacion at La Rosa Pavilion sa Barangay Gen. T. de Leon.



Pinangasiwaan ni Mayor WES ang wedding rites ng 163 mag-asawa na sinaksihan naman ng Sangguniang Panlungsod at mga pamilya ng mga bagong kasal. Ang libreng civil wedding program na ito ng Pamahalaang Lungsod na ginaganap taun-taon para sa mga Valenzuelano na nais magpakasal sa kanilang mga partner sa buhay.

Ani Mayor WES, libre ang pagproseso ng mga dokumento at bayad sa aplikasyon para sa marriage licenses at nagbigay din ang lokal na pamahalaan ng mga bulaklak, catering, at mga larawan sa kasal na may frame para sa mga mag-asawa.



Para maging mas espesyal at hindi malilimutan ang kanilang honeymoon, nabigyan din ng libreng “honeymoon” ang mga bagong kasal sa isang hotel at niregaluhan ng SM Gift Certificates na nagkakahalaga ng Php 500 at grocery package bilang bahagi ng kanilang mga regalo sa kasal.

Upang mapabilang sa civil wedding program at makakuha ng Marriage License, ang mga pares ay sumailalim sa mandatory Family Planning Seminars at Marriage Counseling na pinangasiwaan ng City Health Office, City Social Welfare Development Office, at ng Local Civil Registry.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">