Advertisers

Advertisers

DOJ pag-aaralan ang kaso vs Chinese sa cyanide fishing sa West Ph Sea

0 64

Advertisers

SUPORTADO ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsasampa ng kaso laban sa China kapag may malakas na ebidensiya na magpapatunay sa cyanide fishing sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Sec. Remulla, kikilos sila para malaman ang puno’t dulo ng sinasabing pagsasagawa ng cyanide fishing ng mga mangingisdang Chinese sa Scarborough Shoal.

Diin pa ng kalihim na sa pamumuno ni Pangulong Marcos Jr., hindi kukunsintihin ng gobyerno ang mga gawain na nakakasira sa kapaligiran o nakakatapak sa karapatan ng mga mangingisdang Filipino.



Pagtitiyak ni Remulla na magiging aktibo ang kanyang tanggapan sa pangangalap ng mga ebidensiya at pagbuo ng malakas na kaso sa pakikipagtulungan ng marine scientist.

Hihingi rin ng payo sa mga international legal experts para sa mga istratehiya sa paghahabol sa napinsalang bahagi ng WPS.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">