QUIBOLOY UMAMIN NAGTATAGO, NATATAKOT!
Sinabing hindi siya nang-rape ng miyembro, mga babae raw ang lumalapit sa kanya dahil mayaman siya
Advertisers
ITINANGGI ng televangelist, Pastor Apollo Quiboloy, ang alegasyon na ginahasa niya ang mga miyembro sa kanyang religious organization, sinabing ang mga babae mismo ang nag-alok ng kanilang sarili sa kanya.
Ginawa ni Quiboloy ang statement sa isang voice message na pinost online ng Sonshine Media Network International (SMNI), kungsaan sinabi niyang nagtatago siya dahil natatakot siya sa kanyang kaligtasan.
Si Quiboloy ay inatasan na dumalo sa mga pagdinig ng House of Representatives at Senate na may kaugnayan sa kanilang legislative inquiries sa umano’y mga paglabag sa ng SMNI, at sa alegasyon ng human trafficking at sexual abuse laban sa kanya ng mga dating miyembro ng kanyang grupong Kingdom of Jesus Christ.
Nagbabala ang mga mambabatas na ipaaaresto siya kapag inisnab ang kanilang subpoenas.
Sa kanyang message, sinabi ni Quiboloy na inuusig siya dahil sa politika. Sinabi niyang siya ay “demonized” para sirain ang kanyang reputasyon.
Tungkol sa alegasyon na pinuwersa niya ang KOJC members na makipag-sex sa kanya, sinabi ni Quiboloy na mismong ang mga babae ang nag-alok ng kanilang sarili sa kanya dahil siya’y mayaman at hindi kasal.
Pero tinanggihan niya ang mga ito, kaya gumaganti sa kanya ngayon.
“Ngayon inaakusahan ako ng napakaraming babae. Ito po ang kasalanan ko. Pinayaman ako ng panginoon. Akala nila sa akin, single ako, kaya pinag-aagawan ako. Pagkatapos na ako’y mag-hihinde, mapapahiya, ibabaliktad nila sa akin. ‘Yan ang tinatawag kong Potiphar’s wife syndrome,” sabi ni Quiboloy.
Ang Potiphar’s wife ay isang biblical figure na gumagawa ng maling alegasyon ng attempted rape matapos na ang kanyang kagustuhang makipagtalik ay inisnab.
Sinabi pa ni Quiboloy na ang mga babae ay naglalaban-laban para sa kanya, iniisip na sila’y yayaman.
Aniya, sinabi niya ito hindi dahil sa para hiyain ang mga babae.
Plano rin, aniya, na magsagawa ng press conference para mailabas ang kanyang statements, pero sa voice message nalang para sa kanyang kaligtasan.
Binanggit ang “reliable sources,” sinabi ni Quiboloy na mayroong plano ang United States government, sa tulong ng Philippine government, para siya ay mawala.
Si Quiboloy ay nasa most wanted list ng US Federal Bureau of Investigation sa mga kasong “conspiracy to engage in sex trafficking by force, fraud and coercion; sex trafficking of children; sex trafficking by force, fraud and coercion; conspiracy; bulk cash smuggling.”